AMPALAYA con TOKWA


Another simple but delicious dish ang handog ko sa inyo sa araw na ito.

Hindi ko alam kung marami sa sumusubaybay sa food blog kong ito ang kumakain ng amplaya. Mapait kase eh....hehehe.

Dapat daw pag nagluluto ng amplaya huwag daw sisimangot kasi mas lalong papait ang ampalaya. hehehehe. Kasabihan lang yun. But ofcourse kagaya nung sinasabi ko, dapat mula sa puso o bukal sa puso ang paglulutong ginagawa. Dapat ang nasa isip natin ay sana magustuhan ng kakain ang ating niluluto. Subukan nyo at hindi gaanong mapait ang ampalaya nyo.

Isa pa, kung bibili kayo ng ampalaya, piliin nyo yung malalaki ang kulubot ng balat. Pag-pino kasi ang balat mas mapait. Well base yan sa experience ko...hehehehe...walang scientific explanation...hehehe


AMPALAYA con TOKWA

Mga Sangkap:
1 pc. Large Ampalaya (alisin ang buto at hiwain ng palihis at ayon sa nais na kapal)
250 grams Tokwa (cut into cubes)
2 Eggs beaten
50 grams Chicharon Baboy
1/2 cup Oyster Sauce
5 cloves Minced garlic
1 large White Onion sliced
salt and pepper to taste
1 tsp. maggie magic sarap
cooking for frying

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang tokwa hanggang sa maluto. Hanguin sa isang lalagyan.
2. Bawasan ang mantika sa kawali. Magtira lang ng mga 2 kutsara.
3. I-prito ang binateng itlog. Hayaang mag-set muna at saka hiwa-hiwain ng pa-cubes din. Hanguin sa isang lalagyan.
4. Lagyan muli ng mga 2 kutsarang mantika ang kawali.
5. Igisa ang bawang at sibuyas. Halu-haluin
6. Ilagay ang ampalaya. Timplahan ng konting asin at paminta. lagyan ng mga 1/2 tasang tubig. Takpan at hayaang maluto ang ampalaya. Huwag i-overcooked.
7. Kung malapit ng maluto ang amplaya, ilagay ang oyster sauce, nilutong tokwa at piniritong itlog. Haluin hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng sangkap.
8. Timplahan ng maggie magic sarap. Tikman at i-adjust ang lasa.
9. Huling ilagay ang chicharong baboy bago hanguin.

Hanguin sa isang lalagyan at ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Dennis said…
Thanks Susan. Please continue supporting this blog.

- Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy