ANTON'S 8TH BIRTHDAY - 2010

Birthday kahapon August 8 ng bunso kong anak na si Anton. Nakakatuwa ang batang ito, as in July pa lang ay panay paalala niya na malapit na ang birthday niya. hehehehehe. Kaya naman kahit umuulan ay inilabas pa rin namin sila ng aking asawa para makapag-celebrate kahit papaano.

Nagsimba muna kami sa EDSA Shrine at pagkatapos nun ay tamang-tama naman na lunch na.


Gusto ng asawa ko na maiba naman daw ang restaurant na kakainan namin. Kaya sa Burgoo kami napadpad. First time ko rin na makakain sa resto na ito at hindi ko alam kung ano ang mayroon.

Laking gulat ko naman sa presyo ng mga pagkain dito...hehehehe. Bakit ang mamahal? Well, napasubo na ako...bahala na kako....hehehehe

Tatlong dish lang ang in-order namin. Siguro napansin din ng asawa ko na may kamahalan ang food, tama na daw yung dalawang order namain. Kaya lang, baka kako bitin yung 2 dish na yun..so dinagdagan ko pa ng isa.

Nagdagdag lagn ako ng appetizer. Etong ngang nachos na ito ang napili ko. Okay naman. Big serving at masarap yung salsa at cheese dip nila. Yun lang hindi na gaanong malutng ang nachos nila.

Shrimp and Ribs naman ang main dish na in-order namin. Malaki din ang serving at may kasama pa itong potato fries, grilled corn at sausages. Masarap naman.

Ang pizza na in-order naman ng mga bata. Freshly baked at talaga namang umuusok pa ng ibaba sa aming mesa. Kamontik na ngang hindi makunan ng picture at sinunggaban agad ng mga bata. hahahaha

Tingnan nyo naman ang mga bata, talagang nag-enjoy sa nachos at pizza. Hindi nga napansin ang ribs...hehehe.


Look at the plate....ubos talaga....Hahahaha. No, talaga inubos ko ang lahat. Aba, ang mahal kaya ng mga pagkaing ito....hahahaha.

After naming kumain, pinasyal naman namin ang mga bata sa katabing palaruan. Sa Toms World. Sila din kasi ang nag-pilit na pumunta dito.

Enjoy ang may birthday sa rides at sa mga machines na pwedeng paglaruan. Nakakalula lang..kasi sa bawat hulog mo ng coin ay para ka na ring nagtatapon ng pera....hahahaha. Okay lang, minsan lang naman ito. Hehehehe

Parang kailan lang pangko-pangko ko lang ang anak kong ito, ngayon malaki na siya at makulit....hehehehe.
After namin mag-Toms World, nag-groceries muna kami bago umuuwi. Gusto ko rin kasing mag-luto ng kahit papaano para sa aking anak.
Natatandaan ko kasi nung araw, basta birthday naming magkakapatid, kahit mahirap lang kami ay ipinagluluto kami ng aming Inang Lina. Kaya naman ganun din ang ginagawa ko sa aking mga anak at mahal sa buhay.
Kagaya ng request ng may birthday, Pasta Carbonara at fried chicken ang aking niluto. Bumili naman ng cake ang aking asawa para naman daw may ma-blow ang may birthday.

Natutuwa naman ako at ang aking asawa dahil nakikita naming masaya ang may birthday. Obvious ba ang kakulitan sa picture? Hehehehe

Ayun pati ang mga kuya niya nagkukulitan din habang nagpi-picture-an. Ano pa nga ba? hehehehe

Salamat sa Diyos at nairaos namin ang araw na ito ng aming anak na si Anton ng masaya at masagana.
Bago ako matulog ipinagdasal ko ang aking anak na sana ay lagi siyang papatnubayan...bigyan ng malusog na pangangatawan...ilayo sa lahat ng kapahamakan...at lumaking may pagmamahal sa Diyos at sa kanyang mga magulang at kapatid.
AMEN

Comments

J said…
Happy Birthday, Anton! Stay cute and happy!

P.S. Medyo may kmahalan nga sa Burgoo, kuya! Kasi American restaurant kuno. Hehehe.
Dennis said…
Thanks J....

Sinabi mo....ang mahal nga....pero nasiyahan naman kami sa food....hehehe...okay na din....:)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy