BACON, MUSHROOM and CHEESE FRITTATA
Paborito sa bahay ang fried bacon lalo na pag-almusal. Yun lang hindi masyadong madalas namin itong kainin dahil may kamahalan nga ang bacon. Imagine, yung 250 grams nasa P100+ na ang halaga. Hindi naman kakasya sa aming lima ang 250 grams lang.
Kaya ang ginawa ko sinamahan ko ng pamparami ang bacon na ito at ginawa kong frittata o torta. Ang kinalabasan? Isang masarap na almusal na hindi bitin sa mga kumakain.
BACON, MUSHROOM and CHEESE FRITTATA
Mga Sangkap:
250 grams Bacon cut into 1/2 inch cube
1 cup Sliced button mushroom
1/2 cup Grated Cheese
1 pc. large White Onion sliced
1 pc. large Tomato sliced
4 cloves Minced Garlic
3 tbsp. Olive oil
4 Eggs beaten
salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang bacon sa 2 tbsp. ng olive oil hanggang sa pumula lang ng bahagya.
2. Itabi lang sa gilid ng kawali ang bacon at igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. halu-haluin
3. Ilagay ang sliced mushroom at timplahan ng asin at paminta.
4. Ihalo ang nilutong bacon sa binating itlog. Ilagay na din nga grated cheese. Haluing mabuti.
5. Ibalik ang pinaghalong itlog at bacon sa kawaling may 1 tbsp. na olive oil.
5. Takpan at hayaang ma-set at maluto. Hinaan lamang ang apoy.
6. Kumuha ng isang plato na mas malaki sa bilog ng inyong nilulutong torta at itaklob ito. baligtarin at muling ibalik sa kawali ang niluluto.
7. Takpan muli at hayaang maluto ang kabilang side ng frittata.
Hanguin sa isang lalagyan at ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments