BEEF ALA KING
Hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa dish na ito. Nung una White Beef Afritada ang ipinangalan ko dito. Kaya lang, baka akalain ng mga mambabasa ay kulay puting baka ang ginamit ko dito. Hehehehe.
Naisip ko na lang, bakit hindi Beef Ala King? Tutal naman halos magkapareho ang sangkap at paraan ng pagluluto nito.
Masarap. It is so creamy at kahit sauce pa lang nito ay ulam na ulam na. Try nyo ito. Winner talaga!
BEEF ALA KING
Mga Sangkap:
1 kilo Beef Brisket
2 pcs. Potato cut into cubes
1 pc. large Carrot cut into cubes
1 pc. large Red Bell Pepper cut into cubes
1/2 cup Green Peas
2 cups All purpose Cream or 2 cups of Evaporated milk
1/2 cup butter
1/2 cup grated cheese
1 large White Onion chopped
5 cloves Minced Garlic
salt and pepper to taste
1 tsp. Cornstarch
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola pakuluan ang baka sa tubig na may asin hanggang sa lumambot. Panguin at palamigin.
2. Hiwain ang baka ayon sa nais na nipis o kapal.
3. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
4. Ilagay ang hiniwang karne ng baka, timplahan ng asin at paminta at lagyan ng mga 2 tasang sabaw ng pinaglagaan nito. Hayaang kumulo ng mga 2 minuto.
5. Ilagay ang patatas at carrots. Hayaang maluto
6. Kung malapit ng maluto ang patatas, ilagay ang cream or evaporated milk, red bell pepper at green peas. Halu-haluin.
7. After ng mga 2 minuto, tikman at i-adjust ang lasa.
8. Ilagay at grated cheese at tinunaw na cornstarch bago hanguin.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments
Thanks J