BEEF WITH HONEY-CALAMANSI SAUCE
Una, pasensya na at nagloloko na naman ang digicam na ginagamit ko. Eto medyo may kalabuan na naman ang pict ng dish na niluto nitong isang araw. Hindi ko na sana ito ipo-post kaya lang nanghihinayang ako sa dish na ito. Kaya eto, kahit pangit ang pict pinost ko pa din.
Madali lang actually lutuin ang dish na ito. Ang matagal lang dito ay yung pagpapalambot ng karne. Dalawang way ang pwedeng paraan sa pagluluto nito. Pwede nyong i-try ito para malaman nyo kung alin ang mas masarap. For me, yung #2 ang gusto ko.
BEEF with HONEY-CALAMANSI SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Beef Brisket or Spareribs cut into cubes
5 pcs. Calamansi
1/2 cup Pure Honey bee
1/2 cup Soy Sauce
1 thumb size Ginger Sliced
4 cloves Minced Garlic
1 large White Onion sliced
2 tbsp. Brown Sugar
salt and pepper to taste
1 tsp. Sesame seeds
Paraan ng pagluluto #1:
1. Sa isang kaserola, pakuluan ang karne ng baka hanggang sa lumambot. Hanguin sa isang lalagyan.
2. Sa isang kawali o non-stick pan, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
3. Ilagay ang pinalambot na karne at timplahan ng katas ng calamansi, asin, paminta at toyo. Halu-haluin
4. Ilagay na ang honey at brown sugar kapag kumonte na ang sauce
5. Tikman at i-adjust ang lasa.
6. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng tosted sesame seeds sa ibabaw.
Paraan ng pagluluto #2:
1. Timplahan ng asin at paminta ang karne ng baka. Hayaan ng mga 30 minuto.
2. Sa isang non-stick na kawali, i-prito sa kaunting mantika ang karne ng baka hanggang sa pumula ng bahagya ang karne. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Sa isang kaserol, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
4. Ilagay ang piniritong karne ng baka at timplahan ng toyo at paminta pa.
5. Lagyan ng mga 5 tasang tubig..takpan at hayaang maluto hanggang sa lumambot ang karne. Maaring lagyan ng tubig kung kinakailangan.
6. Ibalik sa non-stick na kawali ang pinalambot na karne at lagyan ng mga 1 tasang sabaw ng pinaglagaan.
7. Ilagay ang honey bee at haluin hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng karne.
8. Hanguin sa isang lalagyan at budburan ng sesame seeds sa ibabaw.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments