BRAISED PORK TENDERLOIN in OYSTER & HOISIN SAUCE

Another special dish na pwedeng ihanda sa mga espesyal na okasyon o kahit na sa pang-araw-araw pa. Masarap na may kakaibang lasa. Sabagay, ano ba ang hindi sasarap kapag may oyster sauce na at may hoisin sauce pa. Dalawang klase ng sauce na pangunahin sangkap sa mga lutuin chinese.
Alam nyo mula nung mag-blog ako ng aking mga niluluto, naging challenge sa akin ang mga putaheng niluluto ko. Kung hindi man experimental ay nilalagyan ko ng twist ang mga classic na na pagkain. Although may mga palpak din...hehehe....pero madalas naman ay wagi.
BRAISED PORK TENDERLOIN in OYSTER and HOISIN SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Pork Tenderloin (lomo)
1/2 cup Oyster Sauce
1/2 cup Soy Sauce
1/2 cup Hoisin Sauce
3 pcs. Calamansi
5 cloves Minced Garlic
1 large Onion chopped
1 thumb size ginger
1 tbsp. Brown sugar
1 tsp. Sesame oil
salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Tusok-tusukin ng kutsilyo o icepick ang karne ng baboy.
2. I-marinade ang ito sa asin, paminta, toyo, katas ng calamansi, at oyster sauce sa loob ng mga 30 minuto.
3. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang karne ng baboy sa kaunting mantika hanggang sa pumula ng bahagya ang balat nito. Hanguin muna sa isang lalagyan.
4. Sa parehong kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas.
5. Ilagay ang piniritong porkloin at ilagay ang natitira pang marinade mix. Lagyan ng 1 tasang tubig at takpan. Hayaan maluto hanggang sa kumonte na lang ang sauce.
6. Ilagay ang hoisin sauce at brown sugar. Hinaan ang apoy at halu-haluin hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng karne.
7. Hanguin sa isang lalagyan at palamigin.
8. I-slice ayon sa nais na kapal at lagyan ng natitiran pang sauce sa ibabaw.
Ihain kasama ang matamis nyong ngiti. :)
Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy