COCO-BAGOONG BEEF
Here's another dish na maipagmamalaki ko talaga. Masarap talaga at maging ang asawa ko at mga anak ay nagustuhan. Hindi ko alam kung may ganito nang luto sa baka. Basta ang inspiration ko dito ay ang classic nating pork binagoongan.
Binago ko na lang ang pangalan para mas may dating at parang original siya. Also, nakadagdag ng sarap yung toasted garlic na inilagay ko sa ibabaw.
The main key sa dish na ito ay ang klase ng bagoong na gagamitin. I suggest yung nasa bote na lang ang gamitin. Yung sweet and spicy.
Try nyo ito, another beef dish na tiyak kong magugustuhan ng inyong pamilya.
COCO-BAGOONG BEEF
Mga Sangkap:
1 kilo Beef Brisket cut into cubes
200ml or 2 cups Kakang Gata
3 tbsp. Bagoong Alamang
3 pcs. Siling pang-sigang sliced
1 tangkay Lemon grass o Tanglad sliced (white portion only)
1 head Minced Garlic
1 large Red Onion chopped
salt and pepper to taste
1 tsp. maggie magic Sarap (optional)
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, pakuluan ang karne ng baka sa tubig na may kaunting asin hanggang sa lumambot.
2. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang bawang hanggang sa pumula. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Igisa ang sibuyas at tanglad. Sunod na ilagay ang pinalambot na karne ng baka. Samahan din ng mga 3 tasa ng sabaw na pinaglagaan.
4. Hayaang kumulo at makalipas ang mga 2 minuto, ilagay na ang bagoong alamang. Hayaan muli ng mga 5 minuto o hangang sa kumonte na lang ang sabaw.
5. Ilagay ang gata ng niyog. Timplahan ng maggie magic sarap. Tikman at i-adjust ang lasa.
6. Hanguin sa isang lalagyan at ibudbod sa ibabaw ang piniritong bawang.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments
Kailan po ilalagay yung siling pang sigang? Tatanggaling po ba yung mga buto nito? :) Susubukan ko kasi e. hehe! Mukhang masarap.
Thanks! More power!