FISH with TOFU in SWEET and SOUR SAUCE
Another classic dish ang handog ko para sa lahat ng taga-subaybay ng munting food blog kong ito. Fish fillet with tofu in sweet and sour sauce.
May 1 kilo ako na fish fillet (cream of dory) sa fridge na mga ilang araw na din. Hindi ko alam kung anong luto ang gagawin ko dito. Bigla na lang tumama sa isip ko na bakit hindi ko na lang lagyan ito ng sweet and sour sauce. Yung parang chinese dish ang dating. At para dumami siya, dinagdagan ko ng tofu o tokwa. Hindi kasi magkakasya sa aming 7 kung puro fish fillet lang. hehehehe
FISH with TOFU in SWEET and SOUR SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Fish Fillet (any white fish...cream of dory, lapu-lapu, tilapia, etc.)
1 block Tofu cut into cubes (depende na lang kung gaano karami ang gusto ninyong ilagay)
1 large Carrot sliced
1 large Red/Green Bell pepper cut into cubes
1 small can Pineapple chunk
1 cup Sweet tomato or banana catsup
1 large White onion sliced
5 cloves Minced Garlic
1 thumb size Ginger thinly sliced
1 tbsp. Cornstarch
1/2 cup Sugar
2 tbsp. Butter
1 cup Flour
1 egg
5 pcs. Calamansi
salt and pepper to taste
Cooking oil for frying
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang fish fillet sa asin, paminta at katas ng calamansi. Hayaan ng mga 15 minuto.
2. Magpakulo ng mantika sa isang non-stick na kawali. Dapat mga 1 inch ang lalim ng mantika
3. Unang i-prito ang tokwa. Hayaang maluto hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel.
4. Habang piniprito ang tokwa, ihalo na ang itlog at harina sa fish fillet. Haluing mabuti hanggang sa ma-coat lahat ng isda ng itlog at harina.
5. I-prito ito pagkatapos ng tokwa.
6. Alisin ang mantikang pinag-prituhan.
7. Ilagay ang butter at igisa ang luya, bawang at sibuyas.
8. Ilagay na din sabay-sabay ang carrots at bell pepper. Stir-fry muna ng mga 1 minuto.
9. Ilagay ang catsup at yung sabaw ng pineapple chunk. halu-haluin.
10. Timplahan ng asin, paminta at asukal.
11. Huling ilagay ang pineapple chunk at tinunaw na cornstarch. Maaring lagyan ng tubig depende sa lapot ng sauce na nais.
12. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
13. Paghaluin ang nilutong fish fillet at tokwa. Ibuhos sa ibabaw ang nilutong sweet and sour sauce.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments
Thanks for sharing! :)
- blankPixels of CertifiedFoodies.com -
Our Food Trip Friday entry:
Quick Lunch at Tokyo Café (Mall of Asia branch review)
Dennis\