FOUR CHEESE CHICKEN PASTA
Kung titingnan mo parang ordinaryong pasta dish o spaghetti lang ito. Pero ang totoo, ang spaghetting ito ay nabuo sa gusto at nais ng may birthday. Gusto daw niya ay yung red na may hotdogs at maraming ham. Mahilig din siya sa chicken kaya grounf chicken naman ang inilahok ko kapalit ng ground pork.
Also, mahilig din siya sa spaghetti na ma-cheese kaya naman ang sauce na ginamit ko dito ay hindi yung ordinaryong spag sauce lang. Ang ginamit ko dito ay yung 4 cheese spag sauce ng Del Monte. I didn't expect na ganun kasarap ang kakalabasan ng spaghetti kong ito. Masarap siya at hindi katulad nung mga nakakain natin sa mga fastfood.
Try nyo ito...winner talaga.
Mga Sangkap:
1 kilo Spaghetti Pasta cooked al dente
3/4 kilo Ground Chicken
5 pcs. Jumbo Purefoods Tender Juicy Hotdog sliced
5 slices Square Sweet Ham cut into small squares
1 big can Del Monte Four Cheese Spaghetti sauce
2 large Red onion chopped
1 head Minced garlic
2 cups Grated cheese
1/2 cup Olive Oil
1/2 cup Brown Sugar
salt and pepper to taste
Paraan ng Pagluluto:
1. Iluto ang spaghetti pasta according to package directions. I-drain at ilagay sa isang lalagyan
2. Sa isang kawali o non-stick pan, i-prito ang hotdog sa kauting olive oil. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Sunod na i-prito naman ang ham at hanguin din muna sa isang lalagyan.
4. Dagdagan pa ng olive oil at igisa naman ang bawang at sibuyas.
5. Ilagay na ang giniling na manok at timplahan na ng asin at paminta. Halu-haluin o paghiwa-hiwalayin ang giniling hanggang sa maluto.
6. Kung naluto na ang giniling na manok, ilagay na ang four cheese spaghetti sauce.
7. Ilagay na din ang kalhati ng nilutong hotdog at ham.
8. Timplahan ng brown sugar at 1 cup na grated cheese.
9. Hayaang kumulo ng bahagya at halu-haluin pa rin.
10. Tikman at i-adjust ang lasa.
11. Ibuhos ang sauce na ito sa nilutong spaghetti pasta.
12. Halu-haluin hanggang ma-spread ang mga sahog sa pasta.
13. Ibuhos pa ang natitirang olive oil at ilagay sa ibabaw ang natitira pang cheese, hotdogs at ham.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments