HONEY-BARBECUE GLAZED BABY BACK RIBS
Ito yung is apang dish na ni-request ng anak kong si James para sa kanyang kaarawan last August 19.
Ang problema ko dito wala akong turbo broiler o oven na gagamitin para i-roast. Di ba nasira nga yung turbo broiler ko at hindi pa naman ako nakakabili ng kapalit?
So ang ginawa ko na lang, pinalambot ko siya at saka pinirito then glaze ng honey at barbecue sauce.
Masarap naman ang kinalabasan. Yun lang, iba talaga kung iro-roast mo siya o ibo-broil. Ayun ubos agad ang dish na ito....hehehe.
HONEY-BARBECUE GLAZED BABY BACK RIBS
Mga Sangkap:
1.5 kilo Baby back Ribs (hiwain para magkasya sa kaserolang paglalagaan)
2 cup Juice from Fruitcocktail or pineapple juice
1 head Minced Garlic
1/2 cup Barbecue Sauce
1 tsp. Ground pepper
1 tbsp. Rock Salt or to taste
1/2 cup Brown Sugar
1/2 cup Soy Sauce
1 tbsp. Roasted Sesame seeds
For glazing:
3/4 cup Honey
3/4 cup Barbecue Sauce
1 tbsp. Soy Sauce
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang baby back ribs sa asin, paminta, juice ng fruitcocktail or pineapple juice, barbecue sauce, toyo at brown sugar. Hayaan ng mga 1 oras.
2. Sa isang kaserola, ilagay ang minarinade na karne kasama ang marinade mix at pakuluan hanggang sa lumabot. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
3. Sa isang non-stick pan paghaluin ang honey, barbecue sauce at toyo. Halu-haluin.
4. Isalin dito ang pinalambot na baby back ribs at halu-haluin hanggang sa ma-coat ang lahat ng ribs at sauce. Halo lang ng halo hanggang sa maubos ang sauce.
5. Hanguin sa isang lalagyan at budburan ng toasted sesame seeds sa ibabaw.
Hiwain sa bawat tadyang bago ihain.
Enjoy!!!!
Comments