HONEY COATED CAMOTE FRIES


Ang kamote Q o kaya naman ay banana Q ang masasabi nating meryenda ng masa. Bakit naman, masarap ito at abot kaya pa ang halaga. Kahit dito sa office namin sa Makati may nagtitinda din ng mga ganitong klase ng pagkain.

Gustong-gusto ko ito kaya naman nitong nakaraang Linggo, nagluto ako nito para snack ng aking mga anak. Yes, kamote o sweet potato ang niluto ko. Pero sa halip na kamote Q, kamote fries ang ginawa ko.

Also, nilagyan ko ng kaunting twist para mas lalo pang magustuhan ng mga bata. Nilagyan ko siya ng honey at toasted sesame seeds. Ang kinalabasa? Ubos lahat....hehehehe.



HONEY COATED CAMOTE FRIES
Mga Sangkap:
1 kilo kamote (Balatan at hiwaing pahaba katulad ng french fries)
2 tbsp. Pure Honey Bee
1 Cup Brown Sugar (tunawin sa 1/2 cup na tubig)
2 tbsp. Toasted Sesame seeds
cooking oil for frying
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang non-stick na kawali, magpakulo ng mga 2 tasang mantika.
2. I-prito ang hiniwang kamote hanggang sa maluto. Hanguin sa isang lalagyan. Maaring 3 batch ang gawing luto sa kamote para hindi crowded sa kawali.
3. After nung last na batch, alisin ang mantika sa kawali.
4. Ilagay ang tinunaw na brown sugar at honey bee. Dapat mahina lang ang apoy kung hindi baka masunog masyado ang sugar at honey.
5. Ilagay dito ang lahat ng nilutong kamote. Haluin hanggang sa ma-coat ang lahat ng caramelized sugar at honey.
6. Hanguin sa isang lalagyan at budburan ng toasted sesame seeds sa ibabaw.
Hayaan munang lumamig ng kaunti para hindi nakakapaso kainin.
Enjoy!!!!
Note: Kung gusto ninyong i-serve ito sa a dessert, ilagay ang mga ito sa maliit na baso o shot glass para mas maganda ang presentation.

Comments

i♥pinkc00kies said…
we make this at home too.. same as camote cue pero parang fries yung cut :) sarap!! we use brown sugar nga lang, wala ng honey.
Dennis said…
Tama ka...nilagyan ko din ito ng brown sugar. Try mo din with honey....panalo...hehehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy