PINAKBET with PORK CHICHARON
Sa bahay, masasabi kong balance ang kinakain naming pagkain. Basta in a week, ikot lang ang klase ng ulam na kinakain namin. Ibig kong sabihin, basta ikot lang sa manok, baboy, baka at isda. Yung gulay naman ay isinasama ko na sa bawat putahe na niluluto. Kung hindi naman may isang klaseng ulam pa na gulay.
Katulad nitong entry ko for today. Pritong dalagang bukid at may kasamang pinakbet. Wow, naparami ang kanin ko nung ito ang ulam namin. hehehehe. Bakit ba naman? Bukod kasi sa bagoong, nilagyan ko pa itong ng chicharong baboy.
Yes, as in yung masarap isawsaw sa suka. Bigay lang ito ng aking kapatid na si Shirley nung minsang dumalaw kami sa amin sa Bulacan. Di ba sikat ang Bulacan partikular ag Bocaue sa masarap na chicharong baboy? Try nyo ito, hindi lang sa ginisang munggo masarap ang chicharong baboy, kahit sa pinakbet ay panalo pa rin...hehehehe.
Also, yung gulay na ginamit ko dito ay yung nabibili sa supermarket o palengke na naka-pack na na pang-pinakbet. Mas mura ito kumpara sa bibili ka ng pailan-ilan ng mga gulay na kailangan.
PINAKBET with PORK CHICHARON
Mga Sangkap:
1 pack Mix Vegetables (Kalabasa, talong, sitaw, okra, ampalaya, etc.)
2 tbsp. Bagoong alamang
100 grams Chicharong Baboy cut into small pieces
4 cloves minced garlic
1 large Onion sliced
1 tsp. maggie magic Sarap
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali o kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika. Halu-haluin
2. Ilagay ang sari-saring gulay at ang bagoong. Lagyan din ng 1 tasang tubig. Takpan at hayaang kumulo hanggang sa maluto ang gulay. Huwag i-overcooked.
3. Timplahan ng Maggie magic sarap. Tikman at i-adjust ang lasa.
4. Ilagay ang chicharong baboy bago hanguin.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Note: Hindi ko na nilagyan ng asin. Maalat na kasi yung bagoong. Pero kung kailangan pa, maaring itong lagyan.
Comments