PORK ADOBO with OYSTER SAUCE

Isa sa mga madaling lutuin na ulam ay ang classic nating adobo. Kapag medyo tinatamad akong magluto o kaya naman ay wala akong maisip na lutuin, adobo palagi ang kinauuwian ang aming ulam. Bakit ba naman? e basta pagsama-samahin lang ang lahat ng sangkap saka lutuin ay okay na. At sa mga bago pa lang natututong magluto, ito ang mainam na una nyong pag-praktisan. Hehehehe.
Hindi ko na alam kung ilang adobo dish ang nai-post ko sa blog nating ito. But ofcourse may mga variation ito. Katulad nitong entry natin for today. May nag-email sa akin na masarap daw ang adobo kung lalagyan mo ito ng oyster sauce. At yun nga ang ginawa ko sa dish na ito.
Try nyo ito. Masarap nga.



PORK ADOBO with OYSTER SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Kasim cut into cubes
1 head Minced Garlic
1 cup Vinegar
1 cup Soy Sauce
1/2 cup Oyster Sauce
1 tsp. Ground Black pepper
1 tbsp Brown Sugar
2 pc. Potatoes cut into cubes

Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang bowl, i-marinade ang karne ng baboy sa suka, toyo, paminta at bawang. Hayaan muna ng mga 30 minuto.
2. Sa isang kaserola, ilagay ang minarinade na karne kasama ang marinade mix. Lutuin hanggang sa lumambot ang karne. Maaring lagyan ng tubig kung kinakailangan.
3. Sa isang non-stick na kawali i-prito ang patatas sa kaunting mantika. Hanguin sa isang lalagyan.
4. Sa parehong kawali, i-prito ang nilutong adobo hangang sa pumula ng kaunti ang karne.
5. Ilagay ang oyster sauce at brown sugar. Halu-haluin
6. Ilagay na din ang natira pang sauce ng adobo.
7. Tikman at i-adjust ang lasa. Ihalo na din ang piniritong patatas.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Note: Ang tamang luto nito ay yung konti lang ang sauce. Pero komo gusto ng mga anak ko ang sauce, dinagdagan ko na lang ito kagaya ng makikita nyo sa picture. Tnx.

Comments

i♥pinkc00kies said…
adobo w/ oyster sauce.. something new :)
Dennis said…
May nag-tip din oang niyan sa akin u7mypinkcookies.....Masarap naman talaga...hehehe

Dennis
charmie said…
di ko talaga ma timing gumawa ng perfect adobo. salamat sa recipe kuya!
Unknown said…
thank you Kuya sa recipe mo, gagayahin ko ito, paborito ng anak ko ang adobo. Nakangiti ng pagkatamis-tamis pag alam nyang adobo ang niluluto ko. :)
Dennis said…
Try this recipe Charmie...I hope magustuhan mo.
Dennis said…
Try it Marife....I'm sure magugustuhan yan ng anak mo just like mine. Regards
Anonymous said…
pwede po bang white sugar?
Dennis said…
Pwede naman po. Salamat :)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy