PORK CALDERETA ala LINA



Idol ko ang aking namayapang Inang Lina pagdating sa pagluluto. Ang isa pang magaling sa kanya, napapasarap niya ang kanyang mga lutuin sa mga simpleng sangkap na available sa kanya. Katulad ng kanyang chicken pork adobo, sa totoo lang, panalong panalo ang dish na ito. Hanggang ngayon hindi ko alam kung papaano niya ito napapasarap ng ganun.

Katulad ng entry kong ito sa araw na ito. Pork Caldereta. Marami na ding version akong nai-post sa blog na ito sa dish na ito. Pero itong versiong ito ay ang natatandaan kong version kung papaano ito niluluto ng aking Inang.


PORK CALDERETA ala LINA


Mga Sangkap:

1 kilo Pork kasim or Liempo cut into cubes

2 cup tomato Sauce

1/2 cup Soy Sauce

1/2 cup Vinegar

1 small can Liver Spread

2 tbsp. Peanut Butter

2 tbsp. Pickle Relish

1 large Potato cut into cubes

1 large Red Bell pepper cut into cubes

1 large Carrot cut into cubes

1/2 cup Grated Cheese

5 cloves minced garlic

1 large Onion chopped

2 pcs. Tomatoes chopped

Salt and pepper to taste


Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang kaserola igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa kaunting mantika. Halu-haluin.

2. Ilagay ang karne ng baboy. Timplahan ng asin at paminta at hayaan munang masangkutsa.

3. Ilagay ang toyo at suka. Lagyan ng mga 2 tasang tubig. Takpan at hayaang maluto hanggang sa medyo lumambot na ang karne.

4. Ilagay ang patatas at carriots. Takpan muli hanggang sa maluto ito.

5. Ilagay ang pickle relish, liver spread, tomato sauce at red bell pepper. Halu-haluin.

6. After ng mga 5 minuto, ilagay ang peanut butter at grated cheese.

7. Tikman at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!


Note: Pangkaraniwan na medyo spicy ang caldereta. Kung gusto ninyo ng medyo maanghang, maaring lagyan ng chili powder o siling pang-sigang ang niluluto. Thanks

Comments

Cecile said…
love caldereta....sarap!
parang ang sarap naman nito, ang daming sangkap!Yum!
Dennis said…
@ Cecile....Yummy talaga...just imagine the taste of liver spread, pickle relish, peanut butter at cheese....pag nag-blend ang mga lasa nito? winner!

@foodtripfriday.....Medyo...hehehehe....pero sulit talaga...hehehe
Anonymous said…
parang luto din po ito ng aking butihing ina.. namimiss ko n din ang caldereta nya, yun po kc plagi ang nirerequest ko sa kanya pag birthday ko.. hehe.. salamat po sa tip sir dennis...
Dennis said…
@ rscunanan....Sinabi mo...na-miss ko tuloy ang namayapa kong Inang. :(

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy