PORK EMBOTIDO
Ang pork embotido marahil ang isang dish na nakikita lang natin sa mga espesyal na okasyon kagaya ng fiesta, kasalan o kaya naman ay binyagan. Kinukonsidera kasi ito na iang espesyal na pagkain. Marahil ay sa dami ng sangkap nito kaya ito naging espesyal.
Maraming pwedeng ipalaman sa embotido. Kung susuruin nyo ang ibang mga recipe, magkakaiba ito talaga. At may kani-kaniya ding paraan kung papaano ito mapapasarap pa.
PORK EMBOTIDO
Mga Sangkap:
1/2 kilo Ground Pork
1 large Carrot cut into small cubes
2 large White Onion finely chopped
1 head Minced garlic
1/2 cup Pickle relish
1/2 cup Raisin
2 cups Breadcrumbs
4 pcs. Eggs beaten
3 pcs. Egg Hard boiled
1 cup grated Cheese
Cheese cut into log about an inch
2 tbsp. Sesame Oil
1 tbsp. Maggie Magic sarap
1/2 cup Flour
salt and pepper to taste
Aluminum foil
Paraan ng pagluluto:
1. Paghaluin ang lahat ng sangkap, maliban sa hard boiled eggs at cheese sticks. Hayaan muna ng mga 30 minuto. Maaring kumuha ng kaunti at i-steam para matikman kung tama na ang lasa.
2. I-brush ng sesaem oil ang aluminum foil.
3. Lagyan ng pinahalong mga sangkap.
4. Lagyan ng hiniwang nilagang itlog at cheese stick ang gitna.
5. Balutin na parang nagbabalot ng candy at sa nais na laki at haba. Isara ang magkabilang dulo.
6. I-steam ito sa loob ng 30 minuto.
7. Hanguin at palamigin bago i-slice.
Ihain na may catsup at mayonaise sa ibabaw.
Enjoy!!!
Comments