PORK TINOLA
Ang tinola ang isa sa mga klasikong soup dish sa ating mga Pilipino. Di ba dun nga sa awiting pamasko nabanggit na ang inihahandang noche buena ni ate ay tinola? hehehehe. Ganun ka sikat ang dish na ito.
Ofcourse alam natin na ang tinola ay manok ang pinaka-main na sangkap. Pero na try nyo na ba na pork ang gamitin dito? Siguro naman. Yun ang kagandahan sa ating mga Pinoy. Napa-flexible natin sa pagluluto.
Also, nagagawa nating i-stretch ang isang dish para magkasya ito sa ating pamilya. Ibig kong sabihin ay ang paggamit ng extender sa ating mga niluluto nalagi kong sinasabi.
Kagaya nitong entry natin for today. Dapat sana ipi-prito ko lang ang pork liempo na ito. Kaya lang naisip ko, hindi ito magkakasya sa amin kung ganung luto lang. So ang ginawa ko, tinola ko siya at nilagyan ng maraming sayote. Dinagdagan ko na din ang sabaw para ma-sulit na....hehehe. Ang nangyari? satisfied ang lahat ng kumain at hindi feeling bitin.
PORK TINOLA
Mga Sangkap:
1 kilo Pork Liempo cut into cubes
2 pcs. Sayote (cut into cubes just like the pork)
1/2 cup sliced ginger
1 large onion sliced
5 cloves minced garlic
a bunch of sili leaves
1 tsp. Whole pepper corn
salt or patis to taste
1 tsp. maggie magic sarap
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika. Halu-haluin.
2. Ilagay ang hiniwang karne ng baboy. Patuloy na haluin.
3. Timplahan ng asin o patis at pamintang buo. Takpan ang kaserola at hayaang masangkutsa ang karne.
4. After ng mga ilang minuto lagyan ng tubig ayon sa nais na dami ng sabaw. Hayaang kumulo hanggang sa lumambot ang karne.
5. Ilagay ang sayote at hayaang maluto.
6. Ilagay ang maggie magic sarap. Tikman at i-adjust ang lasa.
7. Ilagay ang dahon ng sili at saka patayin ang apoy ng kalan.
Ihain habang maiinit pa ang sabaw.
Enjoy!!!!
Comments
Dennis