SINIGANG na ISDA sa MANGGA
Ang sinigang katulad ng adobo ay isang pagkain na masasabi nating pinoy na pinoy talaga. At katulad nating mga Pilipino, napaka-flexible ng pagkaing ito. Pwede mo itong lahukan ng isda, baboy, baka o kahit na mga seafoods. Maging sa mga gulay at pang-asim na ginagamit maraming pwedeng ilahok dito.
Ang pang-asim na ginagamit dito ay nag-iiba-iba depende na lang kung ano ang pwede sa lugar. Kagaya na lang sa amin sa Bulacan komo maraming sampalok, kamyas at bayabas, madalas ito ang ginagamit naming pang-asim sa sinigang.
Sa ibang lugar naman ay may gumagamit ng calamansi, santol at ang iba naman ay ito ngang mangga.
At dito nga sa entry natin for today ay mangga ang ginamit ko na pang-asim sa isdang aking isinigang. Hindi naman ako nagkamali. Masarap at tamang-tama lang ang asim ng aking sinigang. Yun lang masyadong mahal ang pang-asim na ito na ginamit ko........hehehehe
SINIGANG NA ISDA SA MANGGA
Mga Sangkap:
1 kilo Talakitok o kahit anong isdang pang-sigang
1 tali Sitaw (hiwain ng mga 2 inches ang haba)
1 tali Kangkong (talbos)
1 tali Okra (hiwain sa 2 bawat piraso)
1 pc. Labanos (balatan at hiwain ng pa-oblong)
1 pc. large Manggang Hilaw (balatan at hiwain ng maninipis)
2 pcs. Kamatis chopped
1 large Onion chopped
asin o patis ayon sa inyong panlasa
1 tsp. Maggie magic sarap (optional)
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang kaserola, magpakulo ng tubig ayon sa nais ninyong dami ng sabaw.
2. Kapag kumulo na, ilagay ang hiniwang mangga at hayaang kumulo ng mga 5 minuto.
3. Ilagay na ang sibuyas, kamatis, sitaw at labanos. Maghintay ng mga 5 minuto.
4. Sunod na ilagay ang okra kasabay na ang isda.
5. Timplahan ng asin o patis at maggie magic sarap.
6. Huling ilagay ang talbos ng kangkong. Hayaan pa ng mga 2 minuto.
Ihain habang mainit pa ang sabaw.
Enjoy!!!!
Comments