STEAMED CHICKEN with HERBS ver. 2


Una, pasensya na at hindi kagandahan ang kuha ng picture ng dish natin for today. Hindipa nga ito lutong-luto nung kuna ko ng picture. Steam kasi ang dish na ito at medyo nagmamadali ako dahil papasok pa ako sa akinbg trabaho...hehehehe.

Simple ang dish na ito pero punong-puno ng flavor. Ofcourse hindi naman na-over power ng mga herbs and spices ang lasa ng manok.

May steamed chicken na ako sa archive pero may improvement akong inilagay sa dish na ito. Sa totoo lang mas nagustuhan ko ang version ko na ito kumpara dun sa una.


STEAMED CHICKEN with HERBS ver. 2

Mga Sangkap:
1/2 Chicken
1 tsp. Dried Thyme
1 tsp. Dried Basil
1 tsp. Ground Black pepper
2 tbsp. Olive oil
1 tsp. Rock salt
1 tsp. Maggie Magic Sarap (optional)
1 thumb size pinitpit na luya
1 tangkay ng Lemon grass
1 whole Onion quartered

For the sauce:
1 tbsp. Soy sauce
2 tbsp Oyster sauce
1 tsp. Liquid seasoning
1 tsp. Brown sugar
1 tsp. Sesame oil

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang bowl, paghaluin ang dried basil, thyme, asin, paminta, olive oil at maggie magic sarap.
2. Hilitan ang lahat ng malamang bahangi ng manok.
3. Ilagay sa manok ang mga pinaghalong sangkap. Lagyan ang mga ginilitan bahagi ng manok. Hayaan ng mga 30 minuto.
4. Sa steamer, lagyna ng tamang dami ng tubig. Ilagay ang pinitpit na luya, sibuyas at lemon grass. Hayaang kumulo.
5. Pagkaraan ng mga 5 minuto pagkakulo ng steamer, ilagay ang manok at pasingawan sa loob ng 30 minuto o hanggang maluto.
6. Hanguin ito sa isang lalagyan....palamigin...at i-slice ayon sa nais na laki.

Ihain ito kasama ang pinaghalong sangkap para sa sauce.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy