TINUMIS


Marami sa mga pagkaing Pilipino ang magkakapareho lang ng sangkap at paraan ng pagluluto pero nagkakaiba sa tawag o pangalan nito.

Katulad na lang ng entry kong ito for today. Tinumis. Kung ikaw ay taga-Bulacan o kaya naman ay parte ng Pampanga, kilalang-kilala ang tinumis na ito. Pero kung nasa Manila ka naman Dinuguan ang tawag dito. At kung sa may parte ka ng Batangas o Laguna, eh Pinalabuan naman ang tawag nila dito.

Yes, isa lang yun. Maybe may pagkakaiba sa ilan sa mga sangkap, pero basta ang pangunahing sangkap nito ay karne ng baboy at dugo nito.

May entry na ako sa archive ng Pinalabuan. Pero itong version ko ngayon ay base naman sa alam kong tamang pagluluto sa amin sa Bulacan.


TINUMIS (Dinuguan/Pinalabuan)

Mga Sangkap:
1-1/2 kilo Pork Liempo (Mas mainam yung may ribs. Cut into small cubes)
6 cups Fresh Pork Blood
5 pcs. Siling pang-sigang
1 cup Sukang Puti
2 large Red Onion chopped
5 cloves Minced garlic
2 pcs. Large Tomatoes chopped
1 tbsp. Ground Black Pepper
1 tsp. maggie magic sarap

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
2. Ilagay ang karne ng baboy. Ilagay na din ang suka at timplahan ng asin at paminta. Huwag hahaluin par hindi mahilaw ang suka. Takpan at hayaang masangkutsa.
3. Lagyan ng tubig at hayaang kumulo hanggang sa maluto at lumambot ang karne. Lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
4. Kung malambot na ang karne, ilagay na ang dugo at siling pang-sigang. Haluin.
5. Huwag titigilan ng halo para hindi makulta o magbuo-buo ang dugo.
6. Timplahan ng maggie magic sarap. Tikman at i-adjust ang lasa.

Luto na ang inyong tinumis kung medyo malapot na ang sabaw at dark brown na ang kulay nito.

Ihain habang mainit pa. Masarap ito sa mainit na kanin o kaya naman ay sa puto.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Woohoo, sarap nito!
Dennis said…
Tama ka J....sarap nga nito. Ang key ng dish na ito? Fresh pork and blood. hehehehe
mishca said…
where can u get d fresh pork blood....

is dis d same as the sinunggaok of batanguenos? prang dinuguan pero hindi laman loob ng pork ang gamit?
Dennis said…
@ Mishca.....sa palengke...dapat maaga ka dun para fresh pa ang dugo.

Ang alam ko sa Batangas pinalabuan ang tawag dito.
Anonymous said…
it's actually well known in Nueva Ecija too. i always ask my grand mother to cook this whenever my family and i visit them.
Dennis said…
Yup and in Pampanga too. Ang Bulacan, Pampanga at Nueva Ecija naman halos nagkakapareho ang kanilang mga lutuin. Lahat masasarap...hehehehe

- Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy