TORTANG ALAMANG ver 2
May entry na ako sa archive para sa tortang alamang. But this time nag level up na ang dish na ito dahil sa iba pang mga sangkap na aking idinagdag.
Nakakatuwa naman at masarap ang kinalabsan ng tortang ito. Kung tutuusin napakatipid ng dish na ito. Ayos na ayos ito sa mga nagba-budget sa kanilang ulam na hindi naman tipid sa lasa
TORTANG ALAMANG ver 2
Mga Sangkap:
250 grams Alamang
1/2 cup Raisin
1/2 cup Chopped Onion
1/2 cup Chopped Parsley
1/2 cup Flour
1 tbsp. Finely chopped Ginger
3 Eggs
1 tsp. Maggie magic Sarap
Salt and pepper to taste
Cooking oil for frying
Paraan ng pagluluto:
1. Pagsama-samahin ang lahat ng sangkap maliban sa mantika.
2. Magpakulo ng mantika sa isang non-stick pan.
3. Sa isang platito maglagay ng nais na dami ng pinaghalong alamang at mga sangkap. I-form ito na parang burger patties.
4. I-prito ito hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay.
5. Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel.
Ihain na may kasamang paborito ninyong catsup o sukang may sili.
Enjoy!!!!
Comments
My Food Trip Friday post is up HERE.
It's nice to see your blog, may bagong food blog na naman akong babasahin. :)
@ Jenn..... Ys as in luya....dapat lang pinong-pino o kaya naman ay yung katas lang....Pang alis lansa sa alamang. Thanks ha....everyday may bago akong post...
@ foodtripfriday....me too. Laya nga nung may nakita akonf sariwang alamang sa palengke yun agad ang naisip kong gawin.
Salamat
Dennis