TORTANG SARI-SARI


Hindi ko alam kung anong breakfast ang iluluto ko nitong isang araw. Nakakasawa na din kasi ang hotdog, longanisa, tocino, itlog etc. Nagiisip ako ng madali lang lutuin na alam kong magugustuhan ng mga anak ko.


I check the fridge at may nakita ako konti noon at konti nito. Mga sangkap tira-tira nitong mga nakaraang araw. So sayang naman kako kung hindi ito magagamit at masisira lang. Ang naisip ko? Bakit hindi ko ito i-recycle para maging isang bagong putahe na naman. At ang torta nga ang naisip ko.


Ang torta ang pinaka-mainam na luto sa mga tira-tira na pagkain. Kaya eto, tinawag kong itong tortang sari-sari. hehehehe.




TORTANG SARI-SARI


Mga Sangkap:

3 pcs. Regular Hotdogs sliced

3 pcs. Sweet Ham cut into small square

1 cup Bologna cut into small pieces

1 cup Cooked Corned beef

4 pcs. Egg beaten

3 cloves minced garlic

1 medium size Onion sliced

1 large tomato

4 tbsp. olive oil

salt and pepper to taste


Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang non-stick na kawali, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa 2 tbsp. olive oil. halu-haluin.

2. Ilagay ang hotdog, ham, bologna at corned beef.

3. Timplahan ng asin at paminta. Hayaan ng 1 minuto

4. Sa isang bowl batihin ang itlog.

5. Isalin sa binating itlog ang ginisang mga sangkap. Haluing mabuti.

6. Lagyan muli ng 2 tbsp na olive oil ang kawali. Hintaying uminit

7. Ilagay ang pinaghalong mga sangkap. Hinaan lamang ang apoy. Takpan at hintaying ma-set ang torta.

8. Para lutuin ang ibabaw na part, kumuha ng plato na mas malaki sa bilog ng inyong torta. Itaklob ito sa niluluto at baligtarin. Ibalik ito sa kawali at hayaang maluto.

Ihain kasama ang inyong paboritong catsup habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Ang galing! Napaka-creative mo, kuya! Gagayahin ko ito hehehe.
Dennis said…
Hehehehe....Sa hirap ng buhay ngayon at sa mahal ng mga bilihin...dapat walang naaksaya. Kay sa torta ang uwi ng mga ito....hehehehe.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy