TUNA STEAK ala POBRE
Pobre di ba ang ibig sabihin ay mahirap? Well, kung itong fresh tuna na ito naman ang lulutuin mo ala pobre, hindi na siguro ito pagkain ng mahirap. hehehehe. Medyo may kamahalan kasi ang ganitong isda dito sa atin sa Pilipinas.
Ginamit ko lang kasi ang salitang ala pobre sa dish na ito dahil sa kasimplehan ng mga sangkap at paraan ng pagluluto.
TUNA STEAK ala POBRE
Mga Sangkap:
1 kilo Sliced Fresh Tuna
2 pcs. large White Onion cut into rings
1 head Minced Garlic
5 pcs. Calamansi
1/2 cup Soy sauce
1 tsp. Cornstarch
1/2 cup Cooking oil for frying
1 tsp. Maggie magic Sarap
salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang hiniwang tuna. Hayaan ng mga 15 minuto.
2. I-prito ito sa mantika hanggang pumula nag magkabilang side. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Sa parehong kawali, i-prito ang bawang hanggang sa pumula. Hanguin sa isang lalagyan.
4. I-prito din ang sibuyas ng bahagya at hanguin din sa iang lalagyan. Mag-iwan lang ng kauntin sa kawali.
5. Ilagay ang toyo at katas ng calamansi.
6. Ilagay ang tinunaw na cornstarch at maggie magic sarap.
7. Tikman at i-adjust ang lasa.
8. Ibuhos ang sauce sa ibabaw ng piniritong tuna.
9. Ilagay din sa ibabaw ang piniritong bawang at sibuyas.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments
check ninyo >> www.filipinocookingspot.blogspot.com