BEEF POCHERO ver. 2
I love pochero. Kahit pa manok, baboy o baka man, gustong-gusto ko ang dish na ito. Masarap kasi yung naglalabang alat, asim ng tomato sauce at tamis ng sauce nito.
Pero alam nyo ba na ang pochero sa Cebu ay hindi kagaya nito na may tomato sauce? Opo. Ang pochero sa kanila ay yung bulalo natin. Laking gulat ko nga nung minsang mapunta ako ng Cebu at yayain ako ng aking kasama na kumain ng pochera at 3am o as in madaling araw. Sa loob-loob ko, anong meron sa pochero dito at madaling araw pa kakainin? Hehehehe. Yun pala, sabaw ng bulalo na pangtanggal ng tama namin sa nainom naming alak. hehehehe
Balik tayo sa dish na ito. Maraming version ang pochero. Kung baga, bawat rehiyon o lugar dito sa Pilipinas ay may kani-kaniyang version. Siguro depende na din sa available na mga sangkap ang pinagkakaiba nito.
Sa version kong ito, nilagyan ko ng chorizo de bilbao. May nabasa kasi ako na nilagyan niya ng ganito kaya naman sinubukan ko. Hindi naman ako nagkamali. Masarap at malasa ang kinalabasan ng aking beef pochero na ito. Try it!
BEEF POCHERO ver. 2
Mga Sangkap:
1 kilo Beef brisket cut into cubes
2 pcs. Chorizo de Bilbao sliced
2 pcs. Sweet Potato (Camote) cut into cubes
100 grams Baguio beans cut into 1 inch long
5 pcs. Saba cut into half
1 tali Pechay Tagalog
1/2 Repolyo sliced
2 cups tomato Sauce
1/2 cup Brown Sugar or as needed
4 cloves Minced Garlic
1 large Onion chopped
salt and pepper to taste
Paraan ng Pagluluto:
1. Ilaga ang karne ng baka sa isang kaserola may tubig at kauting asin hanggang sa lumambot.
2. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas
3. Ilagay ang pinalambot na baka at lagyan ng mga 3 tasa ng sabaw ng pinaglagaan.
4. Ilagay ang chorizo de bilbao, tomato sauce, camote at saging na saba. Takpan at hayaang maluto.
5. Kung malapit ng maluto ang camote ilagay ang baguio beans. Hayaan ng mga 2 minuto.
6. Huling ilagay ang pechay at repolyo.
7. Ilagay ang brown sugar. Tikman at i-adjust ang lasa. Maaring lagyan pa ng asin at paminta. Dapat ang lasa nito ay yung nagaagaw ang alat, tamis at asim ng tomato sauce.
Hanguin sa isang lalagyan at ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments