CHICKEN and MUSHROOM in HOISIN SAUCE


Here's another simple and delicious dish at tiyak kong magugustuhan ninyo. Simple kasi madali lang itong lutuin ang kakaunti lang ang mga sangkap. Actually, para siyang adobo pero nag-level-up. Kakaiba talaga yung lasa ng hoisin sauce at yung lasa ng tanglad.


CHICKEN and MUSHROOM in HOISIN SAUCE

Mga Sangkap:
1 Whole chicken cut into serving pieces
1/2 cup Hoisin Sauce
1/2 cup Soy Sauce
1 big can Sliced Button mushroom
1 stem Lemon grass sliced
4 cloves minced garlic
1 large Onion chopped
1 tbsp. Shaoxing Rice wine
1 tbsp. Brown Sugar
salt and pepper to taste
1 tsp. cornstarch

Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ang manok ng asin at paminta. Hayaan ng mga 15 minuto.
2. Sa isang non-stick na kawali, igisa ang bawang, sibuyas at lemon grass sa kaunting mantika.
3. Ilagay ang manok at timplahan ng toyo at shaoxing rice wine. Ilagay na din ang sabaw ng sliced mushroom.
4. Takpan at hayaang maluto hanggang sa kumonte na lang ang sauce.
5. Ilagay ang sliced mushroom, hoisin sauce at brown sugar. Halu-haluin.
6. Tikman at i-adjust ang lasa.
7. Lagyan ng tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy