CRAB in OYSTER SAUCE
Eto naman ang isa pa sa mga dish na iniluto ko sa aking nakaraang birthday. Crab in Oyster sauce. Ang wife kong si Jolly ang nagpabili nito para ihanda sa aking kaarawan. Ginawa kong simple lang ang luto sa crab na ito para hindi mawala ang natural na lasa at linamnam. At ano naman ang hindi sasarap kapag oyster sauce ang inilagay mo? Kasama ang maraming bawang at kaunting brown sugar masarap ang kinalabasan ang luto kong ito.
CRAB in OYSTER SAUCE
Mga Sangkap:
2 kilos Live Crab (about 4 or 5 pcs.)
3/4 cup Oyster sauce
1 Head Minced Garlic
2 large Red Onion sliced
1 tbsp. Brown Sugar
Salt and pepper to taste
1 tbsp. Cornstarch
1/2 cup Butter
Paraan ng pagluluto:
1. Magpakulo ng tubig sa isang kaserola. Kapag kumulo na, ibuhos ito sa buhay na alimango para mamatay.
2. Kung patay na, alisin ang mainit na tubig at palitan naman ng ordinaryong tubig. I-brush ang katawan ng alimango para maalis ang mga dumi o putik o lupa na naka-kapit dito. Kung hindi na buhay ang nabiling crab mmaring skip na ang #1
3. Hiwain sa gitna o pagdalawahin ang alimango. Ilagay muna sa isang lalagyan.
4. Sa isang kaserola o malaking kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
5. Ilagay ang hinating alimango.
6. Timplahan ng asin at paminta at lagyan ng mga 2 tasang tubig. Takpan at hayaang maluto.
7. Kung malapit ng maluto ang alimango, ilagay na ang oyster sauce at brown sugar. Hayaan muli ng mga 5 minuto. Halu-haluin para malagyan ng sauce ang lahat ng crab.
8. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
9. Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ng konti ang sauce.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Note: Pe-pwedeng lagyan din ng siling pang-sigang kung gusto ninyong medyo spicy ang dish na ito. TY
Comments