CREAMY PASTA with PARSLEY, BACON and HAM
Eto naman ang isa pang dish na niluto ko nitong nakaraan kong kaarawan. Creamy Pasta with Parsley, bacon and Ham.
Syempre, mawawala ba ang pancit o spaghetti sa mga nagbe-birthday? Ito ang naisip ko na lutuin komo mahilig sa ganitong pasta dish ang mga anak ko. Ako na rin siguro....hehehehe.
Actually para siyang Carbonara, yun lang nilagyan ko pa ito ng fresh parsley. Ang laki ng pinagkaiba nito sa carbonara nung malagyan ng parsley. Parang mas naging malinamnam ang sauce nito.
CREAMY PASTA with PARSLEY, BACON and HAM
Mga Sangkap:
1 kilo Spaghetti pasta cooked al dente
1 big can Whole Button Mushroom quartered
300 grams Bacon cut into small pieces
300 grams Sweet Ham cuto into strips
2 tetra brick All Purpose Cream
2 cups Evaporated Milk (Alaska red label)
1 cup Chopped Parsley
1/2 bar Grated Cheese
1 tsp. Maggie Magic Sarap
1 cup Butter
1 tsp. Dried Basil
1 head Minced Garlic
2 pcs. Red onion chopped
Salt and Pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Lutuin ang spaghetti pasta according to package direction. I-drain at ilagay sa isang lalagyan. Lagyan ng butter o olive oil at saka halu-haluin.
2. Sa isang kawali o non-stcik pan ilagay ang bacon at hayaan ma-prito sa sariling mantika. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Ilagay ang butter at saka igisa ang bawang at sibuyas.
4. Sunod na ilagay ang mushroom at hiniwang ham. Halu-haluin.
5. Ilagay ang cream at evaporated milk.
6. Timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap.
7. Ilagay na din ang dried basil, 1/2 cup ng fresh parsley at 1/2 cup ng grated cheese.
8. Tikman at i-adjust ang lasa.
9. Ibuhos ang nilutong sauce sa pasta at haluing mabuti.
10. Isalin sa serving dish at ilagay sa ibabaw ang natitira pang bacon, chopped parsley at grated cheese.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments