CRISPY GARLIC PORK BELLY
Isa na namang simple at masarap na lutuin ang handog ko sa inyo sa araw na ito. Simple as in simple ang mga sangkap at paraan ng pagluluto. Kaya tuloy pati ang sasabihin ko ay napaka-simple. hehehehe
CRISPY GARLIC PORK BELLY
Mga Sangkap:
1 kilo Pork Belly (Liempo) Hiwain ng mga 1/2 inch ang kapal.
2 tbsp. Garlic Powder
1 tsp. Salt
1/2 tsp. Ground Black pepper
1 cup All Purpose flour
1 pouch Crispy Fry Breading mix Garlic flavor
1/2 cup Cornstarch
1/2 cup Rice flour
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Cooking oil for frying
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang pork belly sa asin, paminta, maggie magic sarap at garlic powder. Hayaan ng mga 1 oras. Tusuk-tusukin ng kutsilyo ang karne bago i-marinade.
2. Sa isang plastic bag, paghaluin ang breading mix, all purpose flour, cornstarch at rice flour.
3. Ilagay dito ang karne ng baboy. Lagyan ng kaunting hangin ang plastic bag at isara. Alug-alugin ito hanggang sa ma-coat ang lahat ng karne.
4. Magpakulo ng mantika sa isang kawali. Dapat mga 1 inch ang lalim ng mantika sa bottom ng kawali.
5. I-prito ang liempo hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay.
6. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.
I-slice ito sa nais na kapal kasama ang alin mang sawsawan na nais. Maaring catsup, mang Tomas Sarsa ng lechon o kaya naman ay sukang may dinikdik na bawang.
Enjoy!!!!
Comments
--Gizelle
Ano ba ang hilig nyong kainin at ipagluluto kita...hehehe
Dennis
\