HUMBA - (Braised Pork Belly)


Ang Humba o Umba ang katumba ng mga Bisaya sa Adobo ng mga nasa katagalugan. Ang pagkakaiba lang nito ay medyo matamis ito at may kakaibang lasa.

May iba't-iba ring pamamaraan sa pagluluto ng Humba pero siguro itong entry kong ito for today ang pinaka-common. Madali lang itong lutuin. Basta pagsama-samahin mo lang ang mga sangkap at saka lutuin ay ayos na.

Sa ibang lugar, maituturing na espesyal na dish ito. Makikita mo ito sa mga fiesta, kasalan o kaya naman ay binyagan. Masarap kasi talaga.



HUMBA - (Braised Pork Belly)

Mga Sangkap:
1.5 Kilo Pork Belly (Liempo)
2 tbsp. Black Bean Sauce (Tausi)
1 cup Soy Sauce
1/2 cup Vinegar
1 cup Brown Sugar
1 Head Minced Garlic
1 tsp. Ground Black Pepper
2 pcs. Dried Laurel leaves
2 pcs. hard boiled Eggs
1 tbsp. Cornstarch

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, paghalu-haluin lang ang lahat ng mga sangkap maliban sa itlog.
2. Pakuluan ito hanggang sa lumambot ang karne. Maaaring lagyan ng tubig kung kinakailangan pa.
3. Hanguin ang nilutong karne at palamigin.
4. Lagyan ng tinunaw na cornstarch ang pinaglutuan ng karne para maging sauce.
5. Tikman at i-adjust ang lasa.
6. Hiwain sa nais na kapal ang nilutong karne at i-ayos sa isang lalagyan.
7. Ilagay ang nilutong sauce sa ibabaw. Ilagay na din ang hinating nilagang itlog.

Ihain kasama ang inyong matamis na ngiti sa labi.

Enjoy!!!

Comments

J said…
Kuya, ang humba naman sa amin ay masabaw at ginagamitan ng star anise. :-)
Dennis said…
Tama ka J...yung iba nga naglalagay ng star anise....yung nabasa kong recipe wala...pero masarap pa rin ang kinalabasan nito...hehehe

Thanks

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy