JAKES' 12th BIRTHDAY - 2010
Napaka-bilis ng panahon. Dati, pangko-pangko ko lang ang aking panganay na si Jake, pero ngayon ang laki-laki na niya. He's now 12 years old. At nagbibinata na ha...hehehehe.
Kahapon nga September 22 kahit papaano ay naghanda ako para sa kanyang kaarawan. Nag-halfday ako sa office para ipagluto siya ng ibig niyang kainin para sa kanyang birthday. Spaghetti at barbeque spareribs lang naman ang hiling niya na iluto ko.

Bukod sa dalawang dish na hiling niya, nagluto din ako ng crispy chicken lollipop at bumili naman ang asawa kong si Jolly ng espesyal na cake.
Sa picture kasama niya ang dalawa niyang kapatid na sina Anton at James. Nagustuhan nila pareho ang chicken lollipop at spareribs. Gusto pa nga nila yun daw ang baunin nila sa school kinabukasan. Hehehehe.
Masaya naman naming itong nairaos at talaga namang nabusog ang lahat. Naging bisita lang namin ang kapitbahay kong si Ate Joy at ang kainigan naming si Nelson. All praises sila sa aking barbeque spareribs. Share ko yung recipe in the coming days.
Noong araw natatandaan ko, basta birthday naming magkakapatid, hindi pwedeng walang handa kahit papaano. Kahit isang simple dish lang na niluto ukol sa may kaarawan. Kaya naman ngayong ako naman ang may mga anak, pinipilit ko ding mairaos ito kahit medyo kapos sa budget. Ang importante nai-celebrate ito nang may pagpapaalamat sa Diyos.

Sa aking anak na si Jake, dalangin ko na sana ay lumaki siyang may pagmamahal sa Diyos sa kapwa at sa kanyang pamilya. Manatili nawa siyang malusog at malayo sa mga sakit at karamdaman. Ilayo nawa siya sa mga kapahamakan at disgrasya. At gabayan nawa siya sa pang-araw-araw niyang pag-pasok sa paaralan.
Dalangin ko din na sana na bigyan pa ako ng lakas ng Diyos para maitaguyod ko ang aking mga anak hanggang sa kanilang paglaki.
AMEN.....
AMEN.....
Comments