LAING ala VENUZ RAJ


Siguro naman kilala ng marami sa atin si Venus Raj ang naging pambato ng Pilipinas sa nakaraang Miss Universe Pageant sa Las Vegas, Nevada kung saan nag-4th place siya.

Ano ang kinalaman niya sa entry ko for today? Nitong nakaraang araw habang nag-pe-prepare akong pumasok sa aking trabaho, napanood kong guest siya sa Unang Hirit sa channel 7 at nagluluto siya ng Laing. To my surprise, iba ang paraan kung papaano niya ito niluto. Ang nasa isip ko nung time na yun ay gayahin ito para malaman ko kung ano ang pagkakaiba sa nakagawian kong paraan. Also, di ba taga-Bicol siya? So sa malamang ito ang paraan nila kung papaano ito niluluto.

Try nyo at masarap nga. Nagustuhan nga ito ng mga naging bisita ko sa bahay that day.


LAING ala VENUS RAJ

Mga Sangkap:
100 grams Dried Dahon ng Gabi
500 grams Pork Liempo cut into cubes
1 thumb size Ginger finely chopped
1 large Onion chopped
5 cloves Minced Garlic
1/2 kilo Gata ng Niyog or 2 can na 200ml
5 pcs. Siling pang-sigang (alisin ang buto then slice)
Salt and pepper to taste

Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang kaserola ilagay ang gata ng niyog (1 can or 1/4 kilo), karne ng baboy, luya, bawang at sibuyas. Timplahan na din ng asin at paminta. Pakuluan hanggang sa lumambot ang karne ng baboy. Lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
2. Ilagay ang tuyong dahon ng gabi. Halu-haluin.
3. Ilagay na din ang 1 pang can o 1/4 kilo pa ng gata at hiniwang siling pang-sigang.
4. Timplahan ng pa ng asin at paminta kung kinakailangan.
5. Hayaang lang maluto ang dahon ng gabi hanggang sa halos magmantika ang gata ng niyog.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
kuya ano po bang pedeng substitute sa dahon ng gabi kasi wala akong makita niyan dito.
Dennis said…
Naku J.....laing is not laing kung walang dahon ng gabi. May nabasa ako bok choy ang ginamit...hindi ko alam kung ganun din ang magiging sarap niya. Subukan mo lang..


Dennis
Cecile said…
miss laing so much; sayang walang laing dito eh...

this one looks yummy; thanksa recipe ha.
Unknown said…
hello! this looks so good, i'm cooking it today! buti na lang i found dried gabi leaves :)
thanks for posting Ms. Venus Raj's laing.
Dennis said…
@ Cecile....Puring-puri nga talaga ito ng mga bisita ko that night. Mas masarap siya as compare dun sa lam kong luto ng laing. hehehe

@ drstel..... Salamat talaga kay Venus....masarap tralaga yung version niya ng laing.
Unknown said…
Nagluto po ko ng laing. Makati po ito. Maaari pa po ba maalis yung kati khit naluto npo ito ? Tnx
Dennis said…
Walang pang-alis ng kati sa laing na naluto na. Yung kati kasi ay nasa dahon o tangkay ng gabi na ginamit.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy