MY 43rd BIRTHDAY - 3 Day Celebration

Last September 12 bag-celebrate ako ng aking 43rd birthday. Pero September 10 pa lang ay nagsimula na ang celebration.

Nag-start ito with a gift from my wife Jolly. Ang ginawa niya? Pinag-parlor niya ako para magpakulay ng buhok at kasama na din ang manicure at pedecure. Pagkatapos nito ay dinala naman niya ako sa Wensha Spa sa may Macapagal Blvd. para magpa-masahe.

First time ko lang sa spa na ito. Ang maganda dito, pagkatapos mong mag-enjoy sa kanilang mga jacuzzi, steam at sauna bath, at pagkatapos naman ay sa isang oras na full body massage, ay isang eat all you can buffet with shabu-sabu naman ang iyong ie-enjoy. Nakauwi kaming mag-asawa ng mga 12 na nang hating-gabi.

September 12 naman na mismo kong kaarawan ay nagkaroon ng kaunting handa. Ofcourse ako pa din ang nag-luto. Hehehehe. Mga simpleng dish lang ang inihanda ko komo nagmamadali ako ng araw na yun. Nag-simba kasi kami ng 8:00am (syempre kailangna ko namang magpasalamat sa isang panibagong taon na naman sa aking buhay) at ang handa ko naman ay lunch. May invited kasi kaming mga close na kaibigan. So, mayroon lang 2 hours to prepare lahat ng ihahanda ko. hehehehe....Kaya nyo yun?

Ibinili ako ng cake ni aking asawa sa Bread Talk. Nagulat nga ako sa cake na ito. Kasi ba naman, nang ilabas ko na siya sa box ay ang bigat. Sabi ko...ano ba itong cake na ito at ang bigat-bigat. Yun pala hindi siya ordinary cake na may mamon sa loob. Konti lang ang pinaka-tinapay niya at puro siya chocolate at nuts. Yummy ang cake na ito hindi nakaka-umay.



Ang aking mga inihanda: Creamy pasta with parsley, ham and bacon, Spicy Shrimp in coconut milk, Crab in Oyster Sauce, Spareribs Caldereta, at Pinaputok na Pla-pla. Hindi na ako naka-gawa ng dessert wala na kasi talaga akong time. Bale yung cake na lang at saging ang naging dessert. Abangan nyo na lang ang mga recipe ng mga dish na ito.




Ang ilan sa mga naging bisita namin: Yung girl sa kaliwa ay si Keth na pamangkin ng aking asawa. Yung nasa kanan naman ay si Lita na kapatid naman ng aking asawa. Ofcourse kasama din sa pict ang dalawa kong anak na si James at Anton.


Ang kapit bahay kong si Ate Joy at si Nelson na ilan sa aking malalapit na kaibigan.

Naging bisita din namin from right: Merly at Benny...at sina Franny at Shilea. mag-asawa sila na matagal na naming kaibigan.

September 13 naman Monday ay tuloy pa din ang celebration ng aking kaarawan. Ito naman ay sa office na pinapasukan ko sa Megaworld Corporation. Sa Shanghai Bistro sa Paseo De Roxas ko ito naman ginawa.
Yung picture sa itaas ang mga in-order namin na food. May pork and shrimp siomai, suckling pig combination, seafood and bean curd soup, crispy garlic chicken, steam fish fillet, stream shrimp in garlic sauce, birthday seafood noodles at yan chow fried rice. Busog kami lahat at may take-home pa ako na ulam. heheheh

Ang mga staff ko sa office. From left: Edward ang aking assistant manager, si Ian Linzag, Norbert Ago at Lerie Gaswint. Kulang nga kami ng isa...may sakit kasi ang anak si Richard Ibay.

Nakasama din nain sa lunch na yun from left: Ang kaibigan ko sa office si Ms. Lhen ang Ar manager namin at sa tabi naman niya ang ang boss na si Joey Villafuerte. Katabi naman niya ang akinbg kumare na officemate naman ng aking asawang si Joly na si Jorina at sunod naman ay si At Lau na kasamahan din nila sa trabaho. Ofcourse ang aking one and only wife.

Nakaraos ang aking 3 day birthday celebration sa awa ng Diyos. Ofcourse, salamat sa aking wife na si Jolly sa kanyang mga gift sa akin.
Nagpapasalamat ako sa Diyos at ako ay umabot sa idad na 43 nang malakas pa at malusog. Dalangin ko na sana ay patuloy niya akong papatnubayan kasama ang aking asawa at mga anak. Sana ay huwag niya kaming pababayaan na mapahamak at makaroon ng sakit o karamdaman. patuloy sanang mag-hari ang pagmamahalan sa aming tahanan sa araw-araw.
AMEN....

Comments

J said…
Happy birthday, Kuya! May God bless you more!
Dennis said…
Thanks J...alam ko ikaw ang unang babati sa akin...hehehe
sarangyo said…
Happy birthday. Now lang ako nag comment pero medyo matagal na rin akong follower ng blog mo. working mom ako and salamat at marami rami na rin akong nasubukan sa mga recipes mo. Jal haseyo!! ( Good job in Korean...k-addict kas ako ^-^
Dennis said…
Salamat sarangyo...kung may mga tanong ka email mo lang ako sa denniscglorioso@yahoo.com

Invite mo din ang mga relatives at friends mo.

Thanks again..


Dennis
J said…
alam mo naman kuya, ako ang pinakamasugid mong follower hehehe.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy