PINAPUTOK NA PLA-PLA

No, hindi yung pla-pla na pinapaputok kung bagong taon ang tinutukoy ko sa entry ko na ito. Although, pinaputok na pla-pla ang tawag dito.

And yes, pla-pla ang tawag sa tilapia na malalaki at tumitimbang ng mga 1/2 kilo ang bawat isa. Pinaputok...ewan ko kung bakit ganito ang tawag sa luto na ito basta ang alam ko nilagyan siya ng kamatis at sibuyas at kung ano-ano pang pampalasa at saka binalot ng aluminum foil. Pe-pwede itong i-ihaw o kaya naman ay i-prito sa kawali.

Hindi kagandahan ang picture ng aking pinaputok na pla-pla. Pero sabi nga, don't judge the book by its cover. Correct! Medyo pangit nga ang picture pero ang lasa naman ng kinalabasan nito ay super. Yes! Super sarap lalo na at may sawsawang calamansi at toyo na may sili. The best!


PINAPUTOK NA PLA-PLA

Mga Sangkap:
4 pcs. (2 kilos) Large Tilapia (Pla-pla) - alisin ang mga kaliskis at palikpik
4 pcs. Tomatoes (hiwain ng maliliit)
2 pcs. Red Onion (hiwain din ng maliliit)
1 tbsp. Garlic powder
salt and pepper to taste
1 tsp. Maggie Magic Sarap
2 tbsp. Sesame oil
Aluminum foil

Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang bowl paghaluin ang lahat ng mga sangkap maliban sa tilapia, sesame oil at aluminum oil.
2. Lagyan ng pinaghalong mga sangkap ang tiyan ng tilapia at saka balutin ng aluminum foil.
3. Ilagay sa freezer ng mga 1 oras bago lutuin. Mas mainam kung overnight o mas matagal para mas maging malasa at masarap ang inyong tilapia.
4. Lutuin ito sa oven o kaya naman ay sa turbo broiler sa loob ng mga 30 minuto. Pwede ding i-pan-grill o kaya naman ay ihaw sa baga.

Ihain ito habang mainit pa kasama ang sawsawang pinaghalong calamansi, toyo, suka at sili.

Enjoy!!!!

Comments

Verna Luga said…
ahaha, Hi Dennis, sarap to pulutan ... hehehe.. pla-pla talaga!

Food Trip Friday here
Cecile said…
yum, sarap nito...sawsaw sa kamatis na may bagoong, then steamed rice....hay ...busog!
Dennis said…
Tama ka Vernz ang sarap nga nito na pulutan...heheheh...lalo na at may kasama pang calamansi na may toyo at sili....hehehhe...winner!!!
Dennis said…
Correct ka Cecile dyan....Alam ang masarap dito yung nababad yung tilapia sa kamatis, at subuyas..lumasa siya sa laman ng isda....panalo!!!

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy