PORK and SHRIMP SIOMAI


Ito yung isa pang dish/pulutan (pulutan ba ito? hehehe) na niluto ko nung mag-inuman yung mga ka-officemate ng asawa ko sa bahay.

Actually, 3rd time ko nang na-try na magluto ng ganito and I think the best pa rin yung una kong try...hehehe. Bakit naman? Mas kumpleto kasi ang sangkap nung una kimpara dito sa entry ko na ito for today.

Masarap pa rin ito. Nagustuhan talaga ng mga bisita namin at ubos talaga bago pa sila mag-uwian. Hehehehe.


PORK and SHRIMP SIOMAI
Mga Sangkap:
1/2 kilo Ground Pork
250 grams Shrimp (alisin ang ulo, balatan at hinwain ng maliliit)
1 cup Singkamas or water chestnut (hiwain din ng maliliit)
1/2 cup Carrots (hiwain din ng maliliit)
1/2 cup Mushroom (hiwain din ng maliliit)
1 large Onion finely chopped
2 large Eggs
1 cup Cornstarch
2 tbsp. Sesame oil
1/2 cup Soy Sauce
1 tsp. maggie magic sarap (optional)
Salt and pepper to taste
Wanton wrapper
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang mixing bowl paghaluin ang lahat ng sangkap maliban sa wanton wrapper. Hayaan muna ng mga 15 minuto.
2. Kumuha ng 1 kutsara ng pinaghalong sangkap at i-prito o i-steam. Tikman at i-adjust ang lasa. Maaring lagyan pa ng asin at paminta.
3. Sa bawat wanton wrapper, maglagay ng mga 1 kutsaritang ng pinaghalong mga sangkap. Balutin ito katulad ng mga ordinaryong siomai na nakikita natin.
4. Ilagay muna sa freezer ng mga 30 minuto bago i-steam.
5. I-steam ito sa bamboo steamer na may wax paper na sapin o kaya naman ay sa rice cooker na may steamer. Rice cooker steamer lang ang ginamit ko dito. I-steam ito sa loob ng mga 20 minuto.
Ihain habang mainit pa kasama ang pinaghalong katas ng calamansi, toyo at chili-garlic sauce.
Enjoy!!!!

Comments

J said…
paborito ko rin ang Siomai, kuya!
Dennis said…
Me too....hehehehe

Thanks J....
Kero said…
nakuu thank you for the recipe. i like siomai. will try this soon.

hope you can visit my FTF entry here http://kcelebration.blogspot.com/2010/09/breakfast-at-atlantis-hotel.html
Verna Luga said…
one of mu classic favorites... gawa kami nito tapos i freeze lang ..

tagtamad magluto thaw and steam ...

Food Trip Friday here
shydub said…
Hi dennis sarap ng luto mong siomai, favorite ko to. kaya lang hindi ako marunong gumawa nito dami kasi sangkap. since may recipe ka, ill try. galing mo naman. Thanks for sharing the recipe.

http://www.tsangreqz.com/2010/09/ftf-snack-time.html
Rossel said…
i cooked this too last week, hindi ko pa lang napost. looks yummy.

Kitchen Essentials
jinky said…
tnx for posting this...i'll try this next weekend!

ng i istart din on food blogging. . .
Dennis said…
@ Kero....don't forget the sesame oil...hehehe

@ Verns....correct ka dyan...hehehe...Pwede din na gawin mo itong molo soup.

@ shydub....Salamat...Lagyan mo din ng mushroom o water chesnut....Mas maraming hipon mas mainam.

@ Rosel and Jinky....salamat din sa inyo. Please share my blog also to your friends.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy