SHANGHAI BISTRO @ Paseo De Roxas
Pangalawang beses na kaming nakakain sa Shanghai Bistro Restaurant, pero yung una ay sa Eastwood City branch. Itong pangalawang beses naman ay sa Paseo De Roxas sa Makati naman.
The last time na pumunta kami sa Eastwood branch nila, nagtaka kami bakit naka-sara. Yun pala ay under renovation.
So nitong nakarang Sabado August 28, we decided na dito sa Paseo branch kami mag-lunch ng aking pamilya after ng scheduled flu vaccination sa office. Dun na lang kako para magamit namin yung gift check na natanggap ko pa last Christmas.
Masarap ang food sa Shanghai Bistro. Authentic na Shanghai at Hong Kong cuisine according sa kanilang brochure. Maraming choices at talaga namang parang gusto mong tikman lahat.
Hindi ko pala nakunan ng picture ang soup na in-order namin. Crab & Corn Soup. Masarap. Talaga namang nagustuhan ito ng anak kong si Anton.
Sa drinks, fresh ripe mango juice ang in-order ng tatlo kong mga anak. Kami naman ng aking asawa ay watermelon shake at green mango shake. Masarap. Fresh at pure talaga.
5 order ng Pork and Shrimp Siu mai naman ang in-order namin na pampagana. Tigi-tigisa kami parta walang awan. hehehehe. Paborito kasi namin itong lahat. Sa isang order pala ay 4 pcs. ang laman. Panalong-panalo ito lalo na sa chili-garlic sauce nila.
Isa sa mga main dish na in-order namin ay itong Suckling pig combination. Crispy na lechon de leche na may kasamang ibat-ibat slices ng pork, beef, century eggs at hindi ko alam kung ano ang tawag dun sa parang seaweeds. Masarap ito na may kasama pang hoisin sauce ata yun.
Ofcourse, mawawala ba naman ang fried chicken. Crispy Garlic Chicken. Half order lang ito. Ang ang tatlong bata lang ang kumain. Hehehehe
Ito naman ay steamed Prawn. May sauce siya na may noodles. Masarap siya. Lasa mo talaga ang pagka-fresh ng hipon nila.
Syempre, mawawala ba naman ang kanin. Yang Chow fried rice ang in-order namin. Masarap dahil maraming sahog na shrimp at chinese sausage.
Talaga namang nabusog kami and take note may mga natira pa para ipa-balot. Hehehehe. Ang anak kong si Anton bakas sa mukha niya na nagustuhan talaga niya ang mga food na in-order namin.
Ang anak kong si James, hindi maka-kibo sa kabusugan. Hehehehee. Ang panganay kong si Jake hindi na nakunan ng picture. Binata na at nahihiya na. Hehehehe
Kung ire-rekomenda ko ang Shanghai Bistro? Oo naman. Masarap naman talaga kasi ang mga pagkain nila. Ang balita ko nga talagang galing pa ng China ang mga Chef nila.
Ang total bill? P2,250+. Not bad. Sa dami naman ng kinain namin ano....hehehehe
Shanghai Bistro is located at 3/F Paseo Center, 8757 Paseo De Roxas corner Sedeno St., Salcedo Village, Makati City. Tel# 892-88-70
Till Next.......
Comments