SHRIMP and STRING BEANS in OYSTER SAUCE
Nitong isang araw simpleng pritong isda ang ulam namin for dinner. Normally, kapag ganito ang ulam namin sinasamahan ko pa ito ng gulay o kaya naman ay soup.
Nang i-check ko ang fridge kung ano ang available, nakita ko itong isang taling sitaw at may kaunti pang hipon o swahe n a ginamit ko nung magluto ako ng sinigang na hipon.
Ang nakakatuwa sa halip na isang simpleng side dish ang gagawin ko, isang masarap na ulam na ang kinalabasan. Try nyo ito at masarap talaga.
SHRIMP and STRING BEANS in OYSTER SAUCE
Mga Sangkap:
250 grams Shrimp (Swahe or sugpo)
1 tali (abount 15 pcs.) String beans / Sitaw - hiwain ng mga 2 inches ang haba
1/2 cup Oyster Sauce
2 tbsp. Soy Sauce
1 tbsp. Brown Sugar
5 cloves Minced Garlic
1 medium size Red Onion sliced
1 thumb size Ginger sliced
Salt and pepper to taste
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
2. Ilagay ang sitaw at tasang tubig. Timpahan na din ng asin at paminta. Takpan at hayaan maluto ang sitaw.
3. Kung malapit nang maluto ang sitaw, ilagay ang hipon at toyo. Halu-haluin.
4. Kung pumula na ang hipon, ilagay ang oyster sauce at brown sugar.
5. Tikman at i-adjust ang lasa.
6. Hayaan lang hanggang sa maluto ang sitaw at hipon.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments
Share this also to your relatives and friends.
Thanks
Dennis
Dennis