SPICY SHRIMP in COCONUT MILK

Narito yung isang dish na inihanda nitong nakaraan kong kaarawan. Spicy Shrimp in coconut Milk.

Actually, yung pamangkin ng asawa kong si Keth ang nagbigay sa akin ng idea na ito. Ang plano ko talaga ay basta lutuin ito sa butter at garlic. Suggestion kasi niya, lutuin ko daw na parang laing. So, medyo spicy nga at may gata ng niyog.

Ganun nga ang ginawa ko. Simpleng-simple lang ang paraan ng pagluluto at masarap talaga ang kinalabasan. Tamang-tama lang ang anghang at yung pinakasabaw nito ay masarap talagang isama sa mainit na kanin.

Try it! Sarapppp....hehehe


SPICY SHRIMP in COCONUT MILK

Mga Sangkap:
1 kilo medium to large size Shrimp (alisin ang balbas at hugasang mabuti)
3 cups Pure Coconut Milk
1 head Minced Garlic
2 large Red Onion chopped
5 pcs. Siling pang-sigang (alisin ang buto at hiwain ng palihis)
salt and pepper to taste
1/2 cup Butter
1 tsp. Maggie Magic Sarap

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali o kaserola igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
2. Ilagay ang gata ng niyog at hayaang kumulo ng mga 15 minuto.
3. Ilagay ang hiniwang sili kasama na rin ang mga hipon.
4. Timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap.
5. Hayaang maluto ang hipon. Halu-haluin para magpantay ang luto.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7. Hanguin sa isang lalagyan kung sa tingin nyo ay luto na ito. Huwag i-over cooked.

Ihain habang mainit pa. Maaring lagyan pa ng hinwang sili sa ibabaw.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
wooohooo! Lulutuin ko ito pag nakabili ako ng hipon! Mahilig kasi ako sa gata hehehe.
Dennis said…
Panalo ito J promise.....hehehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy