TUNA PASTA ORIENTAL


Kung titingnan mo ang picture ng dish na ito para bang napaka-simple lang...pasta na nagkaroon ng kulay. Pero ang totoo, punong-puno ito ng flavor. Ginaya ko yung isang pasta dish na natikman ko sa isang fastfood sa may Glorietta 4. World of Chicken ba yun (libreng promo yan ha...hehehehe) Asian noodles ata ang tawag nila dun.

Para maiba naman ang breakfast namin, ito ang niluto kong breakfast nitong nakaraang araw. Ang ka-partner nito ay simpleng toasted bread na may butter. Nakakatuwa at nagustuhan na naman ito ng mga anak ko.

TUNA PASTA ORIENTAL

Mga Sangkap:
500 grams Spaghetti pasta cooked according to package direction
2 cans Century Tuna flakes in brine
5 cloves Minced garlic
1 large Red Onion chopped
1/2 cup Hoisin Sauce
1/2 cup Soy Sauce
1/2 cup Oyster Sauce
2 tbsp. Brown Sugar
1 tbsp. Toasted Sesame seeds
1 tsp. Sesame Oil
Salt and Pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Lutuin ang pasta according to package direction. Huwag i-overcooked.
2. Sa isang kawali o non-stick pan, igisa ang bwang at sibuyas sa kaunting mantika.
3. Ilagay ang tuna flakes kasama ang brine nito.
4. Ilagay na din ang Hoisin, oyster at soy sauce. halu-haluin.
5. Timplahan ng asin, paminta at brown sugar ayon sa inyong panlasa.
6. Ilagay ang nilutong pasta noodles. halu-haluin
7. Ilagay ang toasted sesame seeds at sesame oil. Haluin muli.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Note: Para maging maganda sa paningin ng kakain, maaring lagyan ng ginayat na scrambled egg at onion leaves sa ibabaw.

Comments

i♥pinkc00kies said…
i also like oriental spaghetti in The Old Spaghetti House. it has chicken and nuts & cooked in oyster sauce. Of course, all time fave is Yellow Cab's charlie chan pasta.
Dennis said…
Hindi ko pa na-try ang pasta ng Old Spag House at Yellow Cab...but this pasta dish was really delicious.

Thanks u8mypinkcookies
Mukha ngang masarap,lalo at oily sa paningin ko. and yeah, garnishing will surely adds more beauty to it, but with or without,I'm sure it's yummy!

Thanks for joining Food Trip Friday
Dennis said…
Tama ka Willa....ako kasi more on the taste...hindi ako masyado sa maraming palabok to please ang kakain. Kaya madalas nagugulat sila sa mga dish na niluluto.

Thanks again

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy