WHITE CHICKEN AFRITADA with CHEESE


No. Hindi puting manok ang ginamit ko dito....hehehehe. Wala lang kasi akong maipangalan sa dish na ito kaya ito na lang ang inilagay ko. Actually, halos kapareho lang ito ng classic na chicken afritada. Yun lang wala itong tomato sauce. Also, nilagyan ko pa ito ng cheese at dried thyme para mas lalo pang sumarap. At yun nga, nagustuhan ng mga anak ko ang dish na ito. Sabi nga ng panganay kong si Jake, ano daw yung iniulam nila at masarap daw.


WHITE CHICKEN AFRITADA with CHEESE

Mga Sangkap:

1 Whole Chicken cut into serving pieces

4 pcs. Tomatoes chopped

2 large Potatoes

1 pc. Carrot

1 pc. large Green or red bell pepper

1 cup Green peas

1 cup grated cheese

1 tsp. Dried Thyme

2 tbsp. Olive oil

5 cloves minced garlic

1 large Red onion chopped

salt and pepper to taste

1 tsp. Cornstarch


Paraan ng Pagluluto:

1. Timplahan ng asin at paminta ang manok. Hayaan muna ng mga 15 minuto.

2. Hiwain ang patatas, carrots at bell pepper into cubes. Ilagay muna sa isang lalagyan.

3. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang manok sa olive oil hanggang sa pumula lang ng kau nti ang balat ito.

4. Igilid ng kauntin ang manok at igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. Halu-haluin

5. Lagyan ng 1 tasang tubig at ilagay na din ang patatas at carrots. Halu-haluin. Takpan at hayaang maluto.

5. Kung malapit nang maluto ang patatas, ilagay ang bell pepper, dried thyme at grated cheese. Hayaan ng mga 2 minuto.

6. Tikman at i-adjust ang lasa.

7. Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy