ANTON'S GRADE 2 FIELD TRIP
Sa ikalawang room naman ay ipibnakita ang ibat-ibang festival at mga sayaw sa ating bansa. May participation din ang mga bata at iginawa sila ng short na movie.
Ang ikatlong room naman ay tungkol sa values education. Ipinakita dito ang mga mabubuting kaugalian nating mga Pilipino na hindi natin dapat makalimutan. Ipinakita din dito ang isang presentasyon ng 'Liham ni Itay'. Siguro napanood nyo na din ito sa youtube. Naiyak ako sa palabas na ito at talaga namang nahipo ang puso ko kung papaano natin dapat at hindi dapat tratuhin ang ating mga magulang.
Next stop ay sa Barasoain Church sa Malolos. Isa sa mga historical place sa ating kasaysayan. Dinala nila kami sa museo at doon ay may light and sound presentation na nakahanda. Napakaganda ng palabas at talaga namang ang dami ko ding natutunan.

After sa Barasoain, ay tumuloy naman kami sa Clark Field Pampanga para sa naman sa aming lunch. Medyo late na kami nakarating sa Clark Field Garden at siguro mga 1:30pm na kami nakapag-lunch.
Nakakatuwa naman at muli ay nakakain ako picnic style. hehehehe. Isang malawak na damuhan na may malalaking puno ng acacia. May nare-rent naman na pang-sapin ang ating mga kapatid na Aeta sa halagang P20.
Ang sarap ng naging kain ko dito. Naubos ko ang aming baon. hehehehe. Makikita nyo sa larawan sa itaas kung papaano kami nagkainan. Marami ding mga Aeta ang naglalako ng ani nilang camote at mga souvenir items na pwedeng bilhin.
Last stop namin ang Felicidades Amusement park sa Mabalacat, Pampanga. Actually it's a first class subdivision na may ganitong park. Alam nyo yung subdivision na Xevera ? Dito yun. Marami din ang mga rides at nag-enjoy naman kami dito.
Sinubukan namin ang Galleon at talaga namang nakakalula ang sumakay dito.
Marami pa kaming rides na sinakyan athindi ko na lang maisama sa posting kong ito at mahaba na talaga. Sa lahat ng rides sa bump car nag-enjoy ng husto ang bunso kong si Anton.
Next stop namin ay sa Nature Spring Bottling Plant sa Tabang, Guiguinto, Bulacan. dito nakita namin kung papaano ginagawa ang bote na ginagamit sa mineral water at yung papaano ito isinasa-bote. Yun lang wala akong picture na nakuha kasi bawal. :)
After sa Barasoain, ay tumuloy naman kami sa Clark Field Pampanga para sa naman sa aming lunch. Medyo late na kami nakarating sa Clark Field Garden at siguro mga 1:30pm na kami nakapag-lunch.
In summary, naging educational talaga ang fieldtrip na ito para sa akin at sa aking anak. Ang mga masasabi ko lang:
a. Kulturang Pilipino - Sana pagandahin pa nila ang kanilang pasilidad. Maging mas-organize pa sana ito. Sana isama nyo din yung mga pagkaing pilipino sa inyong package.
b. Barasoain church - Sana ma-maintain nila ang ganda ng light and sounds ng palabas. mas maganda siguro kung may mga live na performances din na nakasuot ng native nating kasuotan.
c. Clark Field Garden - Sana matulungan ng ating pamahalaan ang mga kapatid nating aetas na naroon. Nakakaawa sila sa kanilang kalagayan.
Sana sa mga darating pang panahon ay maging mas makubuluhan ang field trip ng akibng mga anak katulad ng iang ito.
Till next.....
Comments