ASIAN CHICKEN with MIX VEGETABLES


Pasensya na kung hindi ako nakapag-post ng entry ko nitong nakaraang araw. Ilang araw na din kasi na medyo masama ang aking pakiramdam. Eto nga habang tinitipa ko ang entry kong ito for today hindi pa rin ok ang pakiramdam ko. Kaya lang hindi ko matiis na hindi mai-share ang dish na ito na talaga namang masarap.

Dun sa posting kong about the fieldtrip of Anton, nung nasa Clark Field kami, nakasama sa mga pinuntahan namin ang Duty Free. Kahit papaano naman ay bumili ako ng konting goods dun at isa na dito ang isang malaking bote ng Oyster sauce.

At nang mag-groceries ako nitong nakaraang linggo, yun ang agad ang naisip ko na iluto para masubukan ko nga ang oyster sauce na nabili ko. Winner! Masarap ang Asian Chicken na ito. Bakit Asian chicken? Gumamit ako ng 3 sangkap o sauces na asian na asian talaga. Itong ngang Oyster sauce at Hoisin sauce. Samahan mo pa ng Sesame oil. Stir fried ang lutong ito kaya madali lang. Try it!


ASIAN CHICKEN with MIX VEGETABLES

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Fillet cut into small cubes
1/2 cup Oyster Sauce
1 tbsp. Hoisin Sauce
3 tbsp. Soy Sauce
100 grams Baguio beans cut into 1 inch long
100 grams Young Corn
1 large Carrots cut into strips
1 thumb size Ginger sliced
1 large Onion Sliced
5 cloves Minced Garlic
1 tsp. Brown Sugar
2 tbsp. Sesame oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang hiniwang manok sa asin, paminta at 1 tbsp. sesame oil. Hayaan ng mga 30 minuto.
2. Sa isang non-stick na kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
3. Ilagay ang minarinade na manok at halu-haluin. Takpan at hayaang maluto sa sarili niyang mantika.
4. Kung nawala na ang pagka-pink ng manok, ilagay na ang baguio beans, carrots at young corn.
5. Ilagay na din ang soy sauce, oyster sauce at hoisin sauce. Halu-haluin. Hayaan ng mga ilang minuto hanggang sa maluto ang gulat. Huwag i-overcooked.
6. Lagyan at brown sugar at 1 tbsp. pa ng sesame. Tikman at i-adjust ang lasa.

Hanguin sa isang lalagyan at ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Get well soon, kuya!

P.S. Katakam-takam ang Asian chicken! Gagayahin ko yan, pero lalahukan ko ng peborit kong itlog pugo hehehe.
Cheerful said…
wow, mukhang masarap po at isa na lang sa sauce na nabanggit mo ang wala ako, ang sesame oil...excited na akong gayahin at tikman ang asian chicken mo! basta pagaling po kayo agad. God bless...:)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy