BRAISED CHICKEN IN HONEY-LEMON SAUCE
Pansin nyo siguro na after kong magkasakit nitong mga nakaraan na araw, puro mga madadali lang na recipe ang aking pino-post. Hindi pa kasi ganun ka okay ang pakiramdam ko at may mga gamot pa ako na iniinom. Pero kahit ganun pa man, tinitiyak kong masasarap pa rin ang mga dish na pino-post ko. :)
Katulad nitong entry ko for today. Braised Chicken in Honey-Lemon Sauce. As in tambog-tambog lang ang mga sangkap at presto may masarap ka nang ulam. Ayos na ayos ito sa mga busy na mga nanay na parang kailangan pa ng isang pares pa na kamay sa dami ng mga gawain sa bahay. Hehehehe
Try nyo ito masarap talaga. Ni-request nga ng anak kong si jake na magluto ulit ako ng ganito. hehehehe
Mga Sangkap:
1 Kilo Chicken Drumstick
1/3 cup Worcestershire Sauce
1/2 cup Pure Honey
1/2 cup Soy Sauce
1 pc. Lemon
2 tbsp. Brown Sugar
1 head Minced Garlic
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang non-stick na kawali i-brown ang mga manok sa sarili nilang mantik. Hanguin muna sa isang lalagyan.
2. Sa kaunting mantika, i-prito ang bawang hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
3. Ibalik ang manok sa kawali at ilagay toyo, worcestershire sauce, katas ng lemon, asin, paminta, brown sugar at ginadgad na balat ng lemon.
4. Lagyan din ng mga 1/2 tasang tubig at takpan. Hayaang maluto sa loob ng mga 20 minuto.
5. Kung malapit nang matuyo ang sauce, ilagay ang honey at haluing mabuti hanggang sa ma-coat ang lahat na manok.
6. Hanguin sa isang lalagyan at ibuhos sa ibabaw ang natitirang sauce.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments
My Food Trip Friday here
Spice Up Your Life
kahit gusto ko ang putajeng ito di ko maluto kasi nasusunog ko ang honey :(
here's my food TRIP friday entry
http://www.tsangreqz.com/2010/10/ftf-pork-lumpia-shanghai.html
@ Willa...Salamat po ng marami....ok na po ako.. ;)
@ Cheerful....Masarap talaga...nag-re-request nga ang panganay ko na magluto ako ulit nito...hehehehe...Thanks
@ Chubskulit....Try mo din para mapatunayan mo na masarap....hehehe
@ Jay.... Gusto ko sana...hehehe...kaya lang nagme-meds pa ako....after 1 month sige....hahahahaha. pag nilagay mo na ang honey..hinaan mo na ang apoy para hindi masunog...
@ Cecile....Thank my friend...
@ Shydub....Try mo din... :)