CALANDRACAS

Ang entry nating ito for today ay isang dish na nabasa ko lang sa isa sa mga paborito kong food
blog ang The Eating Room ni Ms. Caren Yrastorza http://theeatingroom.wordpress.com

Nag-research ako ng kaunti sa net para malaman kung ano ba itong calandracas na ito. Wala akong masyadong nakitang result. Ang isang nabasa ko lang ay isa itong dish na nag-origin sa Italia.

Sa recipe ni Ms. Caren para lang itong ordinaryong nilagang baka. Ang pagkakaiba lang ay mayroon itong pasta at chorizo de bilbao. Ofcourse, ang version ko naman ay nilagyan ko ng carrots at leeks para naman kako mas maging masarap at malasa ang sabaw.

Winner ang dish na ito. Try nyo.


CALANDRACAS

Mga Sangkap:
1 kilo Beef Brisket cut into cubes
2 cups Pene or Macaroni pasta
2 stick Chorizo de Bilbao sliced
1 medium size Carrots cut into cubes
2 large Potatoes cut into cubes
2 stem Leeks cut into 2 inches
1 small Cabbage quartered
2 large Onion sliced
Salt and pepper to taste
1 tsp. maggie Magic sarap

Paraan ng pagluluto:
1. Ilaga ang karne ng baka hanggang sa lumambot. Timplahan ng asin at paminta. Isama na din ang sibuyas.
2. Ilagay ang makaroni o pene pasta at chorizo de bilbao. Hayaang maluto.
3. Sunod na ilagay ang carrots at patatas. Hayaang maluto.
4. Huling lagay ang leeks at repolyo. Hayaan pa ng mga 2 minuto
5. Timplahan ng Maggie magic sarap. Tikman at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

J said…
Mukhang masarap... try ko to one of these days!
Jenn Valmonte said…
Wow... masarap ito ah, kokopyahin ko ha, try ko next week.

My Food Trip Friday post is up HERE.
Parang sopas lang,pero ang dmaing sahog.
Thanks for joining FoodTripFriday again and happy weekend!!!
Dennis said…
@ J....Masarap talaga....Paran siyang Nilagang Baka na nag-level-up...hehehe

@ Jenn Valmonte...Yes try it...tiyak kong magugustuhan nyo din.

@ Willa....Tama ka ...kulang pa nga ng garbansos...hehehe
angel de vera said…
Sa family namen po we cook it like nilaga using pata with tomatoes bell pepper and pork and beana
Dennis said…
I-try kong lutuin itong version ng pamilya mo. Pwedeng makahingi ng recipe?

Thanks

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy