CHICKEN BREAST FILLET in BARBEQUE-HONEY SAUCE


Nitong mga nakaraang araw, mapapansin nyo na madadali lang ang mga recipe na pino-post ko. Yun din kasi ang mga binabaon ng mga anak ko sa school kaya yung madadali lang lutuin ang ginagawa ko.

Kagaya nito dish na ito na entry natin for today. Simpleng braising lang ang ginawa ko at nilagyan ko lang ng mga sauces then presto. Isang masarap na dish ang nabuo.

Try ny0 din it0


CHICKEN BREAST FILLET in BARBEQUE-HONEY SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Breast Fillet
1/2 cup Soy Sauce
1/2 cup barbeque sauce
1/2 cup Pure Honey Bee
1/2 cup Brown Sugar
1 tbsp. Sesame Seeds
1 Head Minced Garlic
salt and pepper to taste

Paraan ng Pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang manok. Hayaan ng mga ilang minuto.
2. I-toast ang sesame seeds. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Sa kaunting mantika, igisa ang bawang sa isang kawalin o non-stick pan.
4. Ilagay ang manok sa isang layer sa kawali. Hayaan hanggang sa pumula ng kaunit ang balat nito. Baligtarin.
5. Ilagay ang toyo, barbeque sauce, at 1/2 tasang tubig. Takpan at hayaan ng mga 5 minuto.
6. Ilagay ang honey bee at brown sugar. Hayaan hanggang sa kumonte na lang ang sauce.
7. Tikman at i-adjust ang lasa.
8. Hanguin sa isng lalagyan at ibudbod ang toasted sesame seeds sa ibabaw.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

J said…
Tama lang ang quick and easy dishes, kuya. Swak yan sa mga working moms like me hehehe.
Dennis said…
Hayaan mo J....marami pa akong ipo-post na quick and easy recipes...:)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy