CHICKEN MENUDO with CHUNK PINEAPPLE


Here's another simple but delicious dish na tiyak kong magugustuhan ng inyong mga anak. It's the classic menudo pero chicken fillet ang ginamit ko dito. Yung product ng del monte na tomato sauce na may liver spread ang ginamit ko para mas lalong sumarap. And to add that sweet sour taste, nilagyan ko ito ng pineapple chunk. Ang suma total, isang masarap na ulam para sa buong pamilya.


CHICKEN MENUDO with PINEAPPLE

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Breast Fillet cut into cubes
200 ml. Del Monte Tomato Sauce with Liver spread
6 pcs. Hotdogs cut into 1/2 inch lenght
1 large Potato cut into cubes
1 large Carrots cut into cubes
1 large Red or Green Bell pepper cut also into cubes
1 small can Del Monte Pineapple chunk (itabi ang syrup)
5 cloves Minced garlic
1 large Onion chopped
salt and pepper to taste
1 tsp. maggie magic Sarap (optional)

Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ang manok ng asin, paminta at syrup ng pineapple chunk. Hayaan muna ng mga 15 minuto.
2. Sa isang kawali o kaserola, igisa ang bawang at sibuas sa kaunting mantika. Halu-haluin.
3. Ilagay ang manok at lahat ng natitira pang sangkap maliban sa pineapple chunk. Hayaan hanggang sa maluto ang patatas.
4. Ilagay ang pineapple chunk.
5. Tikman at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy