FISH FILLET & STRING BEANS in COCONUT MILK
Komo may tatlo akong anak na maliliit pa, bihira akong bumili ng isda na matinik. Madalas mga fish fillet ang binibili ko o kaya naman ay yung isdang hindi masyadong matinik. Mainam na yung nag-iingat....ang hirap kaya ng matinik ng tinik ng isda. Hehehe
Mula nung maging available sa supermarket itong isdang cream of dory, naging instant fan na ako ng isdang ito. Marami-rami na ring dish ako nagawa gamit ang isdang ito at halos lahat naman ay masasarap.
Sa mga mahihilig sa mga lutong may gata, try nyo ito. Masarap.
FISH FILLET & STRING BEANS in COCONUT MILK
Mga Sangkap:
1/2 kilo Fish Fillet (Cream of Dory or any kind of white fish)
String Beans or Sitaw cut into 1 inch long
2 cups Pure coconut milk
1 thumb size Ginger cut into strips
5 cloves Minced garlic
1 large Onion sliced
2 tbsp. Chopped Kinchay
2 tbsp. Cooking oil
5 pcs. Siling pang-sigang
1 tsp. Maggie magic Sarap
salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali o kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika. Halu-haluin.
2. Ilagay ang sitaw at 1 tasang gata.
3. Timplahan ng asin at paminta. Hayaan ng mga ilang minuto.
4. Ilagay ang fish fillet, siling pang-sigang at ang natitira pang 1 tasang gata. Hayaang maluto ang isda.
5. Ilagay ang maggie magic sarap. Tikman at i-adjust ang lasa.
6. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang chopped kinchay.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments