FRIED CHICKEN ala ANTON

Natatandaan nyong yung fried chicken na niluto ko na minarinade ko sa evaporated milk? Masarap di ba? Nung tinanong ko ang asawa kong si Jolly kung ano ang masasabi niya, mas gusto daw niya yung original na roast chicken na ginagawa ko. Ang ibig niyang sabihin ay yung Antons Chicken na niluluto sa turbo broiler.
Ang problema, di ba nasira na nga ang turbo broiler namin at wala akong option kundi i-prito nalang ang manok na aming paborito.
At ito nga ang entry ko for today ang kinalabasan. Timpla na pang roasted chicken ala Anton pero pinirito. Masarap naman ang kinalabasan. Lasa mo talaga yung flavor ng tanglad at sarap ng bawang at calamansi. Try nyo din ito. Another version ng paborito nating lahat na fried chicken.
FRIED CHICKEN ala ANTON
Mga Sangkap:
8 pcs. Chicken Legs
3 tangkay na Tanglad o Lemon grass (White parts only. Hiwain ng pinong-pino)
8 pcs. Calamansi
2 heads Minced Garlic
1 tbsp. Rock Salt
1 tsp. Ground Black Pepper
1 tsp. Maggie Magic Sarap
cooking oil for frying
Paraan ng pagluluto:
1. Hiwa-hiwain ang manok ng sagad hanggang buto.
2. Timplahan ng asin at paminta.
3. Sa isang bowl paghaluin ang bawang, katas ng calamansi, ginyat na tanglad at maggie magic sarap.
4. Ihalo ito sa inasinang hita ng kanok. Lagyan ang mga pagitan na hiniwaan. Hayaan ng mga 1 oras. Overnight mas mainam.
5. Kung piprito na, magpakulo ng mantika sa isang kawali o kaserola. Dapat mga 1 inch ang lalim ng mantika o dapat ay lubog ang manok na pi-prituhin.
6. I-prito ang manok hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay. Dapat katamtaman lang ang lakas ng inyong apoy para maluto hanggang buto ang manok.
Hanguin sa isang lalagyan at ihain kasama ang inyong paboritong catsup o ano mang nais na sawsawan.
Enjoy!!!!

Comments

Marana said…
hindi to nakakasawa chicken c:
warr_shee said…
all-time favorite..chicken ..looks yummy

AnneYP

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy