LIVER STEAK with LIVER SPREAD SAUCE
Sa amin sa Bulacan, kapag kakagaling mo lang sa sakit, pinapakain kami ng inihaw na atay ng baboy. Yung medyo half-cooked lang ang pagkaluto. Nakakapag-bigay daw ito ng lakas sa may akit. Ewan ko kung totoo ito. Siguro...hehehehe.
Paborito ko ring i-ulam ang atay ng baboy. Gustong-gusto ko itong ilahos sa adobong baboy o kaya naman ay sa mga lutong gulay o pancit. Gustong-gusto ko kasi ito dahil masarap talaga at malasa. Kaya nga nitong isang araw ay nagluto ako ng liver steak para matapos na ang craving ko dito.
Nilagyan ko pa ng twist para naman mas lalo pang sumarap ang liver steak ko. At tama ang aking ginawa. Mas masarap at mas malasa ang aking niluto.
LIVER STEAK with LIVER SPREAD SAUCE
Mga Sangkap:
500 grams Pork Liver thinly sliced
8 pcs. Calamansi
1 small can Reno Liver spread
1/2 cup Soy Sauce
1 head Minced Garlic
2 large Red Onion cut into rings
1/2 tsp. maggie magic Sarap
salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali o non-stick pan, sa kaunitng mantika i-prito ang onion rings hanggang sa medyo maluto. Hanguin sa isang lalagyan.
2. I-prito din ang bawang hanggang sa matusta o mag-golden brown ang kulay. hanguin din sa isang lalagyan.
3. Ilagay na ang atay ng baboy. Timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin.
4. Ilagay na din ang katas ng calamansi at toyo. Hayaan ng mga 5 minuto.
5. Ilagay ang liver spread at magie magic sarap. Halu-haluin.
6. Tikman at i-adjust ang lasa.
7. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang piniritong onion rings at toasted garlic.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments