MILKY FRIED CHICKEN


Lahat naman siguro tayo ay mahilig sa fried chicken. Lalo na ang ating mga anak. Talaga namang basta pritong manok o fried chicken ang ulam, siguradong ubos ang kanin. Hehehehe.

Yun lang nakakasawa na din ang pare-parehong timpla ng ating fried chicken. Marami nga sa atin ang pilit ginagaya ang mga timpla at luto ng mga paborito nating fastfood chain katulad ng Jollibee at McDonald. Isama na din natin ang KFC at Max Restaurant.

Ako ganun din. Komo paborito ng mga anak ko ang fried chicken, naghahanap talaga ako ng ibang timpla nito.

Katulad na lang nitong entry natin for today. Simple pero masarap ang kinalabasan. Try nyo na magugustuhan din ninyo ito.


MILKY FRIED CHICKEN

Mga Sangkap:

8 pcs. Chicken Legs

1 cup Alaska Evaporated Milk

1 tsp. Dried Rosemary

1/2 tsp. Ground Black pepper

2 cups Casava Flour

1 tsp. Maggie magic Sarap

salt to taste

cooking oil for frying


Paraan ng pagluluto:

1. Tusuk-tusukin ng kutsilyo ang lahat na bahagi ng manok at timplahan ng asin.

2. Sa isang bowl, paghaluin ang gatas, dried rosemary, paminta at maggie magic sarap.

3. Isa-isang ilubog ang manok sa pinaghalong sangkap at saka ilagay sa isang lalagyan. Ibuhos ang marinade mixture sa manok. Hayaan ng mga 2 oras. Overnight mas mainam.

4. Sa isang plastic bag, ilagay ang casava flour. I-drain ang manok at ilagay sa plastic bag na may casava flour.

5. Alug-alugin hanggang sa ma-coat ng casava flour ang lahat na bahagi ng manok.

6. I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay.

7. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.

Ihain kasama ang paborito nyong catsup o kaya naman ay gravy.

Enjoy!!!!

Note: Alam nyo kung ano ang napansin ko? Mas malambot ang laman ng manok at mas malasa siya. Parang KFC ang dating....para lang. hehehehe

Comments

J said…
huwaw masarap yan tiyak kasi may evap!
Dennis said…
Tama ka J...at malambot at juicy ang laman...crispy na crispy din ang balat ....hehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy