PAN-GRILLED CHICKEN BARBEQUE
Paborito ng aking mga anak ang manok. Kahit anong luto basta manok siguradong marami silang makakain. Kaya naman talagang todo isip ako sa mga dish na manok ang pangunahing sangkap. Mapapansin nyo din siguro na mas marami ang entry ko na chicken as compared to pork or beef.
At isa na namang chicken dish ang handog ko sa inyong lahat. Actually, napakadali lang lutuin nito at tiyak kong magugustuhan ng inyong mga anak at asawa. Hehehe
PAN-GRILLED CHICKEN BARBEQUE
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken legs quatered
1 cup Barbeque Sauce
1/2 cup Soy Sauce
1 cup Brown Sugar
1 tsp. Salt
1/2 tsp. Ground Black Pepper
1 head minced Garlic
1 cup water
1/2 cup Pure Honey
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ang manok ng asin at paminta. Hayaan muna ng mga 15 minuto.
2. Sa isang kaserola, ilagay ang manok at iba pang mga sangkap maliban sa Honey.
3. Pakuluan ang manok hanggang sa maluto. Mga 30 minuto. Hanguin sa isang lalagyan.
4. Sa isang non-stick na kawali o stove griller, i-ihaw ang manok. Pahiran ng pinaghalong honey at pinaglagaan ng manok ang inihaw hanggang sa maluto.
Ihain hanggang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments