PANCIT BIHON GUISADO


Ang pancit ang isang pagkain na marahil ay namana natin sa ating mga kapatid na Intsik. Bidang-bida ito sa ano mang mga handaan lalong-lalo na kapag may birthday. Sa mga Tsino, ang mga noodles katulad ng pancit at nagpapahaba ng buhay sa may kaarawan.

Maraming klase ng pancit. Depende na rin kung ano-ano ang mga sahog at kung ano ang noodles na gagamitin. Pero pinaka-common ang bihon sa marami dito sa atin sa Pilipinas. mas kilala ito sa ibang bansa as rice noodles.

Nitong nakaraang Linggo nagluto ako nito para naman maiba ang aming almusal. Ito ang in-almusal namin kasama ang mainit na kape at pandesal.



PANCIT BIHON GUISADO

Mga Sangkap:
500 grams Bihon (rice noodles)
300 grams Chicken Breast Fillet
300 grams Chicken Liver
100 grams Squid Balls quartered
1 cup Sliced Baguio beans
1 carrot cut into strips
1/2 small size Repolyo cut also into strips
1/2 cup Kinchay
1/2 tsp. Ground Black Pepper
1/2 cup Oyster Sauce
1/2 cup Soy Sauce
1 tsp. Maggie magic sarap
5 cloves Minced Garlic
1 large Onion sliced
salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, pakuluan ang manok sa mga 3 tasang tubig. Lagyan ng kaunting asin. Hayaang kumulo hanggang sa lumambot. Hanguin at palamigin.
2. Himayin ang nilagang manok ayon sa nais na laki. Itabi ang sabaw na pinaglagaan.
3. Sa isang kawali, i-prito ang squids balls hanggang sa pumula ng konti. Hanguin sa isang lalagyan.
4. Sa parehong kawali, igisa ang bawang at sibuyas. Ilagay na din ang atay ng manok. Halu-haluin.
5. Timplahan ng asin at paminta. Lagyan ng kaunting sabaw ng pinaglagaan ng manok. Hayaan ng mga 2 minuto.
6. Ilagay ang baguio beans at carrots. Ilagay na din ang hinimay na manok. Hayaan ng mga 2 minuto.
7. Ilagay ang repolyo at kinchay. Timplahan ng maggie magic sarap.
8. Humango ng kaunting sahog para pang-toppings.
9. Lagyan ng mga 5 tasang sabaw ng picnglagaan ng manok.
10. Ilagay ang toyo at oyster sauce. Hintaying kumulo
11. Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
12. Ilagay ang bihon. Haluin hanggang sa maluto ito. Maaring lagyan pa ng sabaw o tubig kung kinakailangan.
13. Hanguin sa isang lalagyan. Ilagay sa ibabaw ang kinuhang sahog.

Ihain habang mainit pa kasama ang hiniwang calamansi.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
hay peyborit ko yan bihon guisado
JEFFREY C said…
Hi Dennis,

Maraming salamat sa recipe mong ito. napakadali lang sundin at napakasarap pa. Favorite ito ng misis ko kaya pinagluto ko siya noong birthday niya at ang dami naming nakain. Thanks a lot & God bless :)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy